Coleen Garcia, nagpakitang gilas din sa dance floor kasama si Billy Crawford

Coleen Garcia, nagpakitang gilas din sa dance floor kasama si Billy Crawford

- Hindi maitago ni Billy Crawford ang tuwa at pagkagulat nang makita si Coleen Garcia bilang kanyang surprise guest

- Bilang bahagi ng kanilang performance ay makakasama nila sa entablado ang isang surprise guest na taong malapit sa kanila

- Sa isang video ay naibahagi ni Coleen na kahit mahiyain siya pagdating sa pagsasayaw ngunit tinanggap niya ang hamon

- Aniya, excited siya na makita ang mukha ni Billy kapag makita siya nito sa stage

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Coleen Garcia, kahit nahihiya siya pagdating sa pagsasayaw ay tinanggap niya ang hamon na maging surprise guest ni Billy Crawford sa performance nito sa television dance contest na Danse avec les stars. Aniya, excited siya na makita ang mukha ni Billy kapag makita siya nito sa stage.

Coleen Garcia, nagpakitang gilas din sa dance floor kasama si Billy Crawford
Coleen Garcia, nagpakitang gilas din sa dance floor kasama si Billy Crawford (@billycrawford)
Source: Instagram

Makikita sa mukha ni Billy ang pagkabigla nang makita si Coleen. Gayunpaman, hindi niya maitago ang tuwa at kasiyahan na makasama ang asawa sa entablado.

Read also

Billy Crawford, muling sumikat sa Paris ayon kay Hayden Kho

Isa lamang si Billy sa mga celebrities na kasali sa naturang dance contest at sa ilang linggong kompetisyon ay hinangaan ang husay niya sa pagsasayaw. Sa katunayan ay kabilang siya at ang kanyang dance partner sa may matataas na score.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel