Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina

- Binahagi ni Angeline Quinto ang balita tungkol sa kanyang engagement sa partner niyang si Nonrev Daquina

- Sa isang video na kuha sa kanyang concert sa United States, sinabi niya na nasa audience ang kanyang soon-to-be mother-in-law

- Sa kanyang IG stories ay nagpahiwatig na rin ang mang-aawit tungkol sa panibagong estado ng relasyon nila ni Nonrev

- Matatandaang isinilang ni Angeline ang anak nila ni Nonrev nitong April 27 ng kasalukuyang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inanunsiyo ni Angeline Quinto ang tungkol sa engagement niya sa kanyang partner na si Nonrev Daquina. Nabanggit niya ang tungkol dito habang nagsasalita siya sa kanyang concert sa United States.

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina
Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina (@loveangelinequinto)
Source: Instagram
“Espesyal ang gabing ito ngayon for me, para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon-to-be mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiancé ay nandiyan."

Read also

Seth Fedelin, hindi inatrasan ang mga tanong sa lie detector test

Bukod dito, naibahagi din ni Angeline ang ilang pagpapahiwatig tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay. Binahagi niya rin ang isang art card tungkol sa pagiging fiance at fiancee nila mula sa pagiging mag-boyfriend at mag-girlfriend.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina
Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina
Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Ayon kay Angeline, selosa talaga siya at inamin niyang siya ang madalas magselos sa relasyon nila ng boyfriend na si Nonrev. Sa kanyang YouTube video ay kumasa sila sa "Who's most likely challenge." Aniya, parang napagseselosan niya lahat hindi lang sa relasyon kundi maging sa kanyang mga kaibigan. Inamin niya rin na sensitive siya at natatamaan umano siya pag naririnig niya ang balat sibuyas.

Read also

Ion Perez, sinorpresa si Vice Ganda ng bagong massage chair

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel