Ryza Cenon, binahaging naayos na ang problema sa water bill na umabot ng P120,000
- Binahagi ni Ryza Cenon ang update kaugnay sa kanyang natanggap na water bill na umabot sa mahigit P120,000
- Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Ryza na pinayuhan sila na ipa-check ang tubo kung may tagas at mayroon nga ngunit maliit lang naman umano kaya pinagtataka niya kung bakit umabot sa ganoong halaga
- Maging ang lumang metro umano nila ay pinalitan na dahil sira na rin umano ito
- Dahil sa nangyari ay pinagbasehan na lang umano ang naging water bill nila sa loob ng anim na buwan kaya mahigit dalawang libo na lang umano ang kanyang babayaran
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Ryza Cenon, naayos na ang kanilang naging problema sa water bill na kamakailan ay isinapubliko niya. Pinalitan umano ang kanilang lumang metro at bumaba na rin ang singil sa kanila.
Napag-alaman nilang may tagas umano ang tubo nila ngunit maliit lamang ito kaya pinagtataka nila ang P120,000 nilang bill. Nang suriin ang kanilang lumang metro, napag-alamang sira na rin umano ito.
Dahil sa nangyari ay pinagbasehan na lang umano ang naging water bill nila sa loob ng anim na buwan kaya mahigit dalawang libo na lang umano ang kanyang babayaran.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7. Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.
Kamakailan ay binahagi ni Ryza ang naging reaksiyon ng anak niya sa binili niyang inflatable costume. Makikita sa kanyang post na tila natatakot ito at naiyak sa kanyang suot kung saan mukha siyang nakasakay sa isang dinosaur. Ayon naman kay Ryza, inakala niya umanong magugustuhan ng anak ang kanyang biniling costume. Bibili na lang din daw siya ng costume na para sa kanya para makita ng anak na costume lang iyon at hindi na ito matakot.
Matatandaang kmakailan ay kinawindang ni Ryza ang natanggap na water bill dahil umabot ito sa mahigit P120,000. Aniya, nawawala pa ang suplay ng tubig sa kanila pagdating ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga. Mahina din umano ang tubig nila mula alas 5 hanggang alas 9 nang umaga kaya ipinagtataka niya ang bayarin nila sa tubig. Humingi siya ng paliwanag mula sa service provider ng tubig sa kanilang lugar kaugnay sa di kapani-paniwalang water bill niya.
Source: KAMI.com.gh