Vhong Navarro, hindi naghain ng plea sa ginanap na arraignment ng kaso
- Hindi naghain ng plea si Vhong Navarro sa arraignment ng kasong sinampa sa kanya ni Deniece Cornejo
- Hindi din personal na dumalo sina Vhong at Deniece ngunit dumating sa Taguig RTC Branch 69 ang abogado ng dalawang kampo
- Sa pamamagitan ng video conference ay lumahok si Vhong dahil hindi naman siya naatasan na dumalo nang personal
- Hinainan na siya ng korte ng 'Not Guilty' Plea para sa patuloy na pag-dinig ng kaso
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi naghain ng kanyang plea si Vhong Navarro sa ginanap na arraignment ng kasong sinampa sa kanya ni Deniece Cornejo. Hinainan na siya ng korte ng 'Not Guilty' Plea para sa patuloy na pag-dinig ng kaso.
Sa Twitter post ng ABS-CBN reporter na si Niko Baua, parehos umanong hindi pumunta ng personal sina Vhong at Deniece. Ang kani-kanilang abogado umano ang nagkaharap sa Taguig RTC Branch 69.
Lolo ni Deniece Cornejo, sinabing mas gusto niyang magkaaregluhan na lang ang apo at si Vhong Navarro
Sa pamamagitan ng video conference ay lumahok si Vhong dahil hindi naman siya naatasan na dumalo nang personal.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh