Billy Crawford at dance partner, umani ng standing ovation sa kanilang performance

Billy Crawford at dance partner, umani ng standing ovation sa kanilang performance

- Binati ni Coleen Garcia ang kanyang asawang si Billy Crawford para sa naging dance performance nito sa television dance contest na Danse avec les stars

- Sa binahaging video ni Coleen, makikitang napatayo ang mga hurado sa naturang dance contest at base sa mga reaksiyon ng mga ito ay napabilib sila sa pinamalas na husay ni Billy at ng kanyang dance partner na si Fauve Hautot

- Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Billy matapos niyang makita ang reaksiyon ng mga nakapanuod sa kanilang performance

- Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Buong pagmamalaking binahagi ni Coleen Garcia ang video kung saan makikita ang reaksiyon ng kanyang asawang si Billy Crawford matapos nitong mapabilib ang mga judges. Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Billy nang makitang nakakuha sila ng kanyang dance partner ng apat na buzz mula sa mga hurado.

Read also

Elaine Duran, usap-usapan dahil sa kanyang agaw-pansing glow-up pictures

Billy Crawford at dance partner, umani ng standing ovation sa kanilang performance
Billy Crawford at dance partner, umani ng standing ovation sa kanilang performance (@coleen)
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Coleen, makikitang napatayo ang mga hurado sa naturang dance contest at base sa mga reaksiyon ng mga ito ay napabilib sila sa pinamalas na husay ni Billy at ng kanyang dance partner na si Fauve Hautot.

Marami naman sa mga kasamahan ni Billy sa showbiz industry ang napabilib sa husay na pinamalas ng TV host ng Tropang Lol.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa lamang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest sa France kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Read also

Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel