Ethel Booba, binahagi ang video ng unang araw nilang hindi kasama si Chef Jessie

Ethel Booba, binahagi ang video ng unang araw nilang hindi kasama si Chef Jessie

- Binahagi ni Ethel Booba ang kanilang unang araw matapos umalis ang partner niyang si Chef Jessie Salazar

- Matatandaang sa unang video na binahagi ni Ethel ay makikita ang nakakaantig na pagpapaalam ni Chef Jessie sa kanilang mag-ina

- Nakakausap naman nila ito sa pamamagitan ng pag-video call ngunit ayon kay Ethel ay na-mimiss ni Michaela ang kanyang daddy

- Maging si Ethel ay aminadong namimiss niya na rin umano si Chef at alam niyang babalik din daw agad iyon dahil hindi din daw makakatiis ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ethel Booba ang video nilang mag-ina matapos umalis si Chef Jessie Salazar para makapagtrabaho uli. Matatandaang sa unang video na binahagi ni Ethel ay makikita ang nakakaantig na pagpapaalam ni Chef Jessie sa kanilang mag-ina.

Ethel Booba, binahagi ang video ng unang araw nilang hindi kasama si Chef Jessie
Ethel Booba, binahagi ang video ng unang araw nilang hindi kasama si Chef Jessie (@ethelbooba)
Source: Instagram

Nakakausap naman nila ito sa pamamagitan ng pag-video call ngunit ayon kay Ethel ay na-mimiss ni Michaella ang kanyang daddy. Nakwento ni Ethel na maging sa kanilang paglabas ay tinatawag umano ni Michaela ang kanyang daddy tuwing makakaita ng taong kahawig ng kanyang daddy.

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Matatandaang pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon. Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela. Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.

Samantala, nabanggit ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya. Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice. Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel