Vhong Navarro, pinanindigang hindi niya hinalay si Deniece Cornejo

Vhong Navarro, pinanindigang hindi niya hinalay si Deniece Cornejo

- Sa panayam ng ABS-CBN News kay Vhong Navarro, muli nitong pinanindigang hindi totoo ang umano'y binibintang sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya ang tanging naging kasalanan niya lang noon ay nang lokohin niya ang girlfriend niya noong panahong iyon na ngayon ay kanya nang misis

- Dagdag pa niya, nilahad niya ang kanyang istorya at ito umano ang buong katotohanan

- Inamin din ni Vhong na nababahala siya sa muling pagbuhay sa kasong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo kaugnay sa umano'y panghahalay na ginawa niya

Nanindigan si Vhong Navarro na hindi totoo ang binibintang sa kanya kaugnay sa umano'y panghahalay niya kay Deniece Cornejo. Sa panayam ng ABS-CBN News kay Navarro, sinabi niyang ang tanging naging kasalanan niya lang noon ay nang lokohin niya ang girlfriend niya noong panahong iyon na ngayon ay kanya nang misis.

Read also

Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito

Vhong Navarro, pinanindigang hindi niya hinalay si Deniece Cornejo
Vhong Navarro, pinanindigang hindi niya hinalay si Deniece Cornejo (@vhongx44)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng kanyang pahayag ay aminado siyang nababahala siya sa muling pagbubukas ng kasong nauna nang binasura ng DOJ.

Sa isang ulat ng Lion Hear TV, noong August 25, 2017 ay nahatulang guilty ng grave coercion sina Deniece at Cedric Lee.

Samantala, sa muling pagbuhay sa kaso kay Vhong, isa si Bianca Lapus sa naghayag ng kanyag suporta sa dating asawa. Sa isang ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Bianca na magiging mahirap sa kanya na mag-co parent kay Vhong kung hindi ito mabuting tao. Kaya naman aniya ay suportado niya ito.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Read also

Leobert Dasmariñas, nagmakaawang tulungan siya dahil sinasaktan umano siya

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel