Seth Fedelin, emosyonal na inalala ang lolo; "Thank you sa Php7,000, Lo!"

Seth Fedelin, emosyonal na inalala ang lolo; "Thank you sa Php7,000, Lo!"

- Naging emosyonal si Seth Fedelin nang inalala nito ang kanyang namayapang lolo

- Malaking tulong umano noon sa kanilang pamilya ang kanyang lolo

- Nanghihinayang umano siya na hindi na niya kapiling ngayon ang lolo kung kailan kaya na niyang ibigay ang kagihawahan sa kanyang pamilya

- Sa naturang interview din mahihinuha ang tindi ng pagpapahalaga ni Seth sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Seth Fedelin nang alalahanin niya ang kanyang lolo sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Seth Fedelin, emosyonal na inalala ang lolo; "Thank you sa Php7,000, Lo!"
Photo: Seth Fedelin
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na natanong umano siya ni Ogie D kung ano ang nakapagpa-iyak kay Seth.

Agad naman niyang nasabi na ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang namayapa nang lolo.

Kwento ni Seth, retired teacher ang lolo na tumatanggap ng Php7,000 buwan-buwan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Cristy Fermin, todo puri kay Alden Richards sa pagpapahalaga nito sa pamilya

At ang halagang ito umano ang sumasalba sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

"Thank you sa Php7,000, Lo!" ang halos naiiyak nang nasabi ni Seth.

"'Yung lolo kong 'yun, bedridden four years. Wala na, nakahiga na lang. Ta's nung pandemic siguro nakita niya na kaya ko na, nagpahinga na siya," pagbabahagi pa ni Seth.

At nang tuluyan na ngang namaalam ang lolo ni Seth, ipinangako naman umano niya rito na siya na ang bahala sa kanilang pamilya na naisasakatuparan naman niya sa ngayon.

"Kaya 'pag nagtatrabaho ako at kailangan ko ng paghuhugutan, titingin lang ako sa itaas ta's iisipin ko o kahit saang lugar, diyan tapos isipin ko nakadungaw sila tapos masaya sila nakangiti sila lolo't lola ko," dagdag pa niya.

Gayunpaman, labis din ang panghihinayang ni Seth na sana'y kalakasan pa rin ngayon ng kanyang lolo upang maparanas naman niya rito ang ginhawa na naibibigay na niya sa kanilang pamilya.

Read also

15-anyos na dalagita, nakaipon ng Php4 million at may sarili nang bahay dahil sa Mobile Legends

Si Seth Fedelin ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Mas nakilala siya nang maging bahagi ng afternoon serye na 'Kadenang Ginto' kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri. Binansagan silang 'Gold Squad.'

Samantala, pinakaaabangan naman linggo-linggo ang mga itinatampok ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz inspires kung saan nakakapanayam niya ang iba't ibang mga kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel