Madam Inutz, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang nanay

Madam Inutz, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang nanay

- Masayang ipinagdiwang ni Madam Inutz at kanyang pamilya ang kaarawan ng kanyang ina

- 70 years old na ang kanyang Nanay Griselda na patuloy ang paganda ng kondisyon

- Makikita sa larawang ibinahagi ni Madam Inutz na present ang kanyang manager na si Wilber Tolentino

- Naroon din si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol na naki-party sa pamilya ni Madam Inutz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Madam Inutz ang larawan ng masayang selebrasyon nila ng 70th birthday ng kanyang pinakamamahal na nanay Griselda.

Nalaman ng KAMI na bonggang selebrasyon ang inihanda ni Inutz para sa kanyang ina.

Kapansin-pansin na mas lalong bumubuti ang kalagayan nito mula sa ilang taong pagkaka-stroke.

Naroon din ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino kasama si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up na si Herlene Budol.

"Happy 70th birthday Nanay‼️ We Love you! Long life and stay healthy lagi ah," ang caption ni Inutz sa larawan kung saan mababakas ang saya ng kanyang ina sa selebrasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, bumaha ng pagbati para kay Nanay Griselda. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Happy Birthday po. Ang ganda niyo pong tingnan na tuluyan na ang paglakas"
"Happy Birthday at Mabuhay naman kay Madam Inutz na napakabuti ng puso sa kanyang pamilya"
"Deserve ni Madam Inutz ang blessings niya. Napakabuti niya sa kanyang pamilya. Happy BIrthday po Nanay"
"Love na love talaga ni Madam Inutz ang kanyang family lalo na ang kanyang nanay. Maligayang kaarawan po. Stay Healthy"

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Katunayan, bahagi siya ngayon ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na 'My Papa Pi'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel