Pauleen Luna sa video ni Tali na nagdarasal; "It’s her dream to be a reader in church"

Pauleen Luna sa video ni Tali na nagdarasal; "It’s her dream to be a reader in church"

- Ibinahagi ni Pauleen Luna Sotto ang video ng anak na binabasa ang ilang mga dasal

- Naikwento rin ni Pauleen na nais na maging reader sa church ni Tali kaya naman ganoon na lamang ang tila pagpa-pratice nito sa pagbabasa ng mga dasal

- Dahil dito, umani ng papuri at paghanga ang mag-ina na sana'y tularan din umano ng iba pang mga bata

- Si Tali ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na pawang mga host ng longest running noontime show na Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natuwa lalo kay Talitha Sotto nang ibahagi ng kanyang mommy Pauleen Luna ang video kung saan, ilang dasal ang kanyang nabasa.

Pauleen Luna sa video ni Tali na nagdarasal; "It’s her dream to be a reader in church"
Pauleen Luna Sotto kasama si Tali Sotto (@pauleenlunasotto)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Instagram, ipinakita ni Pauleen kung gaano ka-interesado si Tali ng magbasa ng mga dasal tulad ng 'The Lord's Prayer (Our Father)' at ng Hail Mary.

Read also

Batang lalaki sa dance video ng "Baby Shark," usap-usapan sa social media

Matapos nga mabasa ni Tali ang 'The Lord's Prayer' nasabi nito ang "Hail Mary time!"bago basahin ang dasal.

Sa caption ng naturang post, nsabi ni Pauleen na nais pala talaga ni Tali na maging isang reader sa simbahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"It’s her dream to be a reader in church," ayon sa proud mommy na si Pauleen.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Amen. Your so adorable Tali!"
"I have been Tali's fan since she was born and have been fond of her. She is so smart, pretty and talented.. she has good diction and I can feel her sincerity with the way she reads.. always take care pretty Tali! God bless u more"
"Wow, Ang galing! Congratulations to Sir Vic and Pauleen!"
"Wow galing naman ni Tali. Bata palang nahubog ng mag serve kay Lord. Nakaka proud naman. God bless you Tali."

Read also

Sharon sa iconic 'copycat' scene nila ni Cherie Gil; "that line will never be the same again"

"You are an amazing little girl,Tali! Your parents raised u well. God bless always"

Si Talitha Maria Sotto o mas kilala bilang si 'Tali' ay anak ng aktres at TV host na si Pauleen Luna. Ang ama naman ni Tali ay ang batikang komedyante at original host ng longest running noontime show sa bansa na Eat Bulaga. Ipinanganan si Tali noong .November 6, 2017

Kamakailan, kinagiliwan din ang ibinahaging video ni Pauleen ng baby Tali na nagsasabi ng 'I love you.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel