Vanessa Raval, susugurin daw si Aljur Abrenica pag nabuntis at hindi nito paninindigan ang ate niya

Vanessa Raval, susugurin daw si Aljur Abrenica pag nabuntis at hindi nito paninindigan ang ate niya

- Ayon kay Vanessa Raval, sa pagkakaalam niya ay hindi buntis ang kanyang ate na si AJ Raval

- Tinanong niya umano ito at itinanggi ng ate niya at talong buwan na rin silang nagkikita ng kanyang ate

- Nang tanungin siya kung ano ang mas gusto niya para sa ate niya at kay Aljur Abrenica matapang ang kanyang naging sagot

- Aniya, ang gusto niya kung sakaling nabuntis nito ang kanyang ate ay panindigan niya at maging mabuting ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong kay Vanessa Raval ang tungkol sa pagbubuntis ni AJ Raval at ang alam umano niya ay hindi ito buntis dahil natanong naman niya ito. Gayunpaman, ang gusto niya kung sakaling nabuntis ni Aljur Abrenica ang kanyang ate ay panindigan niya at maging mabuting ama.

Vanessa Raval, susugurin daw si Aljur Abrenica pag nabuntis at hindi nito paninindigan ang ate niya
Vanessa Raval, susugurin daw si Aljur Abrenica pag nabuntis at hindi nito paninindigan ang ate niya (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Aniya, pag hindi niya ito gagawin ay susugurin niya ito sa bahay nila at susunugin niya ang bahay nito.

Read also

Vanessa Raval, inaming marami ang kinaharap dahil sa pag-name drop

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maiintindihan din umano niya kung sakaling lumabas na inilihim ng ate niya ang pagbubuntis nito dahil madaldal umano siya at baka mauna pa siyang magsalita tungkol dito kung sakaling sabihin sa kanya ng kanyang ate.

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya pumapasok sa mundo ng showbiz, sumikat siya sa pagiging isang content creator at TikToker at mayroon na ring daang libong followers sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Binahagi ni Vanessa ang naging pag-uusap nila ng hindi niya pinangalanang rapper. Makikita sa binahaging screenshots ni Vanessa na niyaya siya nito na makipagkita sa kanya. Gayunpaman, nilinaw ni Vanessa na may boyfriend siya at aniya ay hindi maganda na makipagkita siya dito. Matatandaang naging usap-usapan ang post ni Vanessa kaugnay sa isang rapper na hindi umano siya tinatantanan sa chat

Read also

Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya

Nagsalita na si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel