Wil Dasovich, binahagi ang kanyang tunay na nararamdaman: "Im not sad"

Wil Dasovich, binahagi ang kanyang tunay na nararamdaman: "Im not sad"

- Nilinaw ni Wil Dasovich na hindi niya mailalarawan bilang kalungkutan ang kanyang nararamdaman

- Ito ay kaugnay ito sa mga nangyari nitong nakaraang araw sa taong naging bahagi ng kanyang buhay na hindi na rin niya pinangalanan

- Para sa kanya ay mahirap umano ipaliwanag ang kanyang emosyon ngunit weird feeling umano ang kanyang nararamdaman

- Hindi umano ito positive o negative na pakiramdam pero hindi niya umano maintindihan ang kanyang emosyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Wil Dasovich na hindi niya maipaliwanag ang kanyang emosyon kaugnay sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa kasalukuyan. Gayunpaman, aniya hindi umano siya malungkot.

Wil Dasovich, binahagi ang kanyang saloobin: "Im not sad"
Wil Dasovich, binahagi ang kanyang saloobin: "Im not sad" (@wil_dasovich)
Source: Instagram

Aniya, para sa kanya ay mahirap umano ipaliwanag ang kanyang emosyon ngunit weird feeling umano ang kanyang nararamdaman.

Gayunpaman, aniya sa kanyang pinagdadaanan iniisip niyang isa lamang siya sa bilyon-bilyong tao at marami ring mga tao na may problema kagaya niya. Ito ay naibahagi niya sa kanyang podcast kung saan nakasama at nakausap niya ang kaibigang si Daniel.

Read also

Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwan at Nico Bolzico nang magkita sila

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang naunang ibinahaging video, nagkita nang personal sina Wil at Nuseir Yassin o mas kilala bilang si Nas Daily. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na podcast ni Nas kamakailan kung saan tinawag niyang dormant news channel si Wil. Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Nas na simpleng pag-uusap lamang nila iyon at ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay sa kanilang pag-uusap. Nilinaw din ni Wil na sadyang ganoon lamang ang kanilang biruan.

Samantala, binahagi ni Wil ang video ng kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya. Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla. Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala. Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate