Rabiya Mateo, walang galit sa ama: 'If you need me, I'm just here'

Rabiya Mateo, walang galit sa ama: 'If you need me, I'm just here'

- Ayon kay Rabiya Mateo, wala siyang galit na nararamdaman para sa amang isang Indiano

- Ito ay sa kabila ng pang-iiwan umano nito sa kanila ng kanyang ina na wala din umanong sinabing masama laban sa kanyang ama

- Alam umano ni Rabiya sa puso niya na dadating ang panahon na magkikita parin sila ng ama niya

- Aniya, yayakapin niya talaga ang kanyang ama kapag dumating ang pagkakataong magkikita sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Rabiya Mateo, nabanggit ni Rabiya ang tungkol sa kanyang saloobin sa kanyang amang nag-iwan sa kanila. Ayon kay Rabiya Mateo, wala siyang galit na nararamdaman para sa amang isang Indiano.

Rabiya Mateo, walang galit sa ama: 'If you need me, I'm just here'
Rabiya Mateo, walang galit sa ama: 'If you need me, I'm just here' (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Alam umano ni Rabiya sa puso niya na dadating ang panahon na magkikita parin sila ng ama niya at yayakapin niya daw talaga ang kanyang amang hindi pa niya nakakausap o nakikita nang personal. Tanging sa litrato niya ito nakita.

Read also

Yassi Pressman, nagbahagi ng mga pictures kasama si Jon Semira

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug. Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor. Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa. Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito. Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel