Moira dela Torre, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang personal driver

Moira dela Torre, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang personal driver

- Nagluluksa si Moira dela Torre sa pagpanaw ng kanyang longtime personal driver

- Sa isang post ay binahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang driver na tinawag niyang Kuya Baj

- Pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting kaibigan umano nito sa kanya at sa pagiging pamilya kay Moira

- Bumuhos naman ang pakikiramay kay Moira mula sa mga kasamahan niya sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Moira dela Torre ang kanyang pumanaw na longtime personal driver sa pamamagitan ng isang tribute post. Pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting kaibigan umano nito sa kanya at sa pagiging pamilya kay Moira.

Moira dela Torre, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang personal driver
Moira dela Torre, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang personal driver (@moiradelatorre)
Source: Instagram
kuya baj, salamat po sa lahat. hindi ka lang naging mabuti na driver sa'kin, kundi mabuting kaibigan narin. lahat ng kaibigan ko at mahal ko sa buhay, mula banda hanggang kamag-anak, minahal mo rin.

Read also

Vice Ganda, nagbiro tungkol sa taong umano'y nagpaparinig at nakikisali

salamat sa pag-intindi kuya, at sa pagbigay sa akin ng pamilya nung mga araw na pakiramdam ko mag-isa ako. mamimiss ko tawa mo, kuya baj. pati yung mga advice mo na minsan maka-Diyos, minsan bastos pahinga ka na, kuya. mahal na mahal ka namin. miss ko na tawa mo. salamat sa lahat. love you kuya baj

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos naman ang pakikiramay kay Moira mula sa mga kasamahan niya sa showbiz.

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Minabuti na ni Moira na magsalita kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jason. Ito ay matapos lumabas ang mga espikulasyon na nag-cheat umano siya sa kanyang mister. Diretsahang sinabi ni Moira na isinabuhay niya ang kanyang wedding vow at hindi siya nag-cheat sa asawa. Aniya, kahit hindi na sila magkasama ni Jason ay nasasaktan siyang nakikita ang mga gawa-gawang kwento na aniya ay malayo sa katotohanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel