Ruffa Gutierrez sa umano'y paninira sa kanya: "Piliin mo pa rin ang ngitian sila"

Ruffa Gutierrez sa umano'y paninira sa kanya: "Piliin mo pa rin ang ngitian sila"

- Ayon kay Ruffa Gutierrez, dapat ay pillin pa ring maging positibo sa kabila ng paninira ng ibang tao

- Sa kanyang tweet, binahagi niya ang kanyang picture na kuha sa studio ng 'It's Showtime' kung saan isa siya sa mga hurado sa isang segment

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang tweet ay dinagdag pa ng aktres na dapat ay matutong gawin ang aniya'y "art of deadma"

- Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan niyang kontrobersiya kaugnay sa dalawang kasambahay na nauna niya nang sinabi na hindi niya sinisante

Sa tweet ni Ruffa Gutierrez, sinabi niyang dapat ay matutong gawin ang aniya'y "art of deadma." Aniya, piliin pa ring ngitian ang mga taong naninira.

Ruffa Gutierrez sa umano'y paninira sa kanya: "Piliin mo pa rin ang ngitian sila"
Ruffa Gutierrez sa umano'y paninira sa kanya: "Piliin mo pa rin ang ngitian sila" (@iloveruffag)
Source: Instagram

Sa kanyang tweet, binahagi niya ang kanyang picture na kuha sa studio ng "It's Showtime" kung saan isa siya sa mga hurado sa isang segment.

Read also

Bea Alonzo, taas noo umano sakali mang magkasalubong sila ng kanyang ex

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Piliin mo pa rin ang ngitian sila sa kabila ng paninira nila. 3 million hugs to all of you. Let’s practice the art of deadma.

Ruffa Gutierrez sa umano'y paninira sa kanya: "Piliin mo pa rin ang ngitian sila"
Ruffa Gutierrez sa umano'y paninira sa kanya: "Piliin mo pa rin ang ngitian sila" (@iloveruffag)
Source: Twitter

Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan niyang kontrobersiya kaugnay sa dalawang kasambahay na nauna niya nang sinabi na hindi niya sinisante.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya. Nagtanong pa ito na baka nagpapansin lang ang kanyang pinatutungkulang tao para mapasali sa Maid in Malacañang.

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksiyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: