Cong. Rowena Guanzon, idinetalye sa channel ni Ogie Diaz ang ukol sa isyu kay Ruffa Gutierrez

Cong. Rowena Guanzon, idinetalye sa channel ni Ogie Diaz ang ukol sa isyu kay Ruffa Gutierrez

- Nagbigay detalye si Congresswoman Rowena Guanzon ang tungkol sa isyu umanong kinasangkutan ni Ruffa Gutierrez

- Nag-umpisa umano ito sa tweet ng isang indibidwal patungkol sa di umano'y nagawa ni Ruffa sa dalawa nitong kasambahay

- Sinasabing nakarating umano kay Cong. Guanzon na hindi pinayagan agad na umalis ang dalawang kasambahay na hirap na hirap na umano sa kanilang trabaho sa aktres

- Dumating pa umano sa punto na pinalabas ang dalawa sa subdivision ng aktres kung saan mayroong nagmalasakit na tumulong sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinetalye ni Congresswoman Rowena Guanzon ang tungkol sa kinasangkutang isyu nila ni Ruffa Gutierrez.

Cong. Rowena Guanzon, idinetalye sa channel ni Ogie Diaz ang ukol sa isyu kay Ruffa Gutierrez
Cong. Rowena Guanzon (Rowena Guanzon)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI, isa umanong kaibigan ni Cong. Guanzon ang nagpabatid sa kanya ng dalawang mga kasambahay ni Ruffa.

Nagmalasakit na umanong tumulong si Guanzon lalo na at ang mga sinasabing kasambahay ay kababayan niya mula Kabankalan, Negros Occidental.

Read also

Ruffa Gutierrez, nilinaw ang tungkol sa kasambahay na pinalayas: "I did not fire anyone"

Sa kanyang salaysay, umabot pa umano sa puntong pinalabas ng subdivisioon ang dalawa at bilang mga taga-barrio, hindi basta nakaalis ang mga ito. Hindi rin umano binayaran ang dalawa sa kalahating buwan nitong pananatili sa nasabing amo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Doon may mga nagtaong nagmalasakit at nagmagandang loob na tulungan ang mga ito.

"Kasi 'yung friend ko, tumawag sa'kin last night. Kasi nga 'yung auntie ng mga helpers niya nandoon nagtatrabaho kay Ruffa Gutierrez as helpers. Taga Negros Occidental po sila. Sa akin po tumawag... Sa Kabankalan e the's my father's hometown, kaya po ako tinawagan," panimula ng ex-commissioner ng COMELEC.

Kaya naman daw nai-tweet niya ito at tinanong kay Ruffa Gutierrez kung totoo ito.

"Dalawang linggo pa lang sila diyan kay Ruffa Gutierrez pero talagang overworked sila kaya nagpaalam sila, Monday pa gusto na nilang umalis. Pero ayaw silang payagang umalis noong Monday."

Read also

Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz

"Hiningi nila ang sweldo nila, ayaw silang pauuwiin ng Monday. So dalawang linggo sila doon, sabi hindi sila nakatanggap ng sweldo at nagpaalam sila... Siguro nag-communicate na sila sa pamangkin nila ng mga pangyayaring ito kaya umabot ito sa akin."
"Sabi raw ni Ruffa Gutierrez na 'di kayo aalis ngayon, Monday hintayin niyo ako sa Thursday. Ito nangyari ito Thursday... Nag-insist sila na aalis na lang talaga paumagahan, morning after right? Nagalit daw sa kanila at pina-refund daw 'yung pamasahe nila."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Congresswoman Rowena Guanzon mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022.

Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ng nangunguna ngayon sa pagka-pangulo na si Bongbong Marcos.

Read also

Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right Mr. black"

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Atty. Guanzon ang hindi niya makakalimutang childhood memory kung saan nadisiplina sila ng ama dahil sa umano'y pagnanakaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica