Donita Nose at Super Tekla, muling babalik sa pag-vlog bilang Donekla in Tandem

Donita Nose at Super Tekla, muling babalik sa pag-vlog bilang Donekla in Tandem

- Sinabi nina Donita Nose at Super Tekla na muli nang babalik ang vlog nila sa "Donekla in Tandem" YouTube channel nila

- Sa birthday celebration ni Donita, naitanong niya sa ilang kaibigan nila kung dapat na ba silang magbalik na magkasama sa pag-ba-vlog

- Pabor sila na magbalik na sa vlogging ang DonEkla in Tandem na ilang buwan na ring hindi nakapag-upload ng video mula nang mag-live stream sila noong February 18, 2022

- Sa naturang video ay isinapubliko ng magkaibigan ang kanilang pasya na maghiwalay na dahil sa mga bagay na hindi pinagkakasunduan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw nina Donita Nose at Super Tekla na hindi naman nawala ang DonEkla in Tandem at nagpahinga lang umano sila. Nabanggit nila sa vlog ni Donita na muli nang babalik ang vlog nila sa "Donekla in Tandem" YouTube channel nila.

Read also

Donita Nose, hindi umano inasahang dadalo si Super Tekla sa kanyang birthday celebration

Donita Nose at Super Tekla, muling babalik sa pag-vlog bilang Donekla in Tandem
Donita Nose at Super Tekla, muling babalik sa pag-vlog bilang Donekla in Tandem (@donitanose)
Source: Instagram

Hirit pa ni Donita, ang unang sampung episode ng kanilang mga video ay magmumula sa ideya ni Super Tekla. Naitanong din niya sa ilang kaibigan nila kung dapat na ba silang magbalik na magkasama sa pag-ba-vlog. Pabor sila na magbalik na sa vlogging ang DonEkla in Tandem na ilang buwan na ring hindi nakapag-upload ng video mula nang mag-live stream sila noong February 18, 2022.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitrhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan. Magkasama sina Tekl

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel