Xian Gaza, naglabas ng open letter para kay Ella Cruz kasunod ngpahayag nito kaugnay sa "history"

Xian Gaza, naglabas ng open letter para kay Ella Cruz kasunod ngpahayag nito kaugnay sa "history"

- Naglabas si Xian Gaza ng isang open letter para kay Ella Cruz kaugnay ng kanyang pahayag tungkol sa "history" na talaga namang naging usap-usapan

- Ani Xian, na-miss niya si Ella at nirerespeto nito ang opinyon niya ngunit nagbigay siya ng halimbawa ng pagkakaiba ng history, tsismis at historical revisionism

- Ang history umano ay ang tungkol sa naging malapit nila ni Ella noong taong 2016 na bukod sa naging business partners ay naging matalik silang magkaibigan

- Ang tsismis umano ay ang lumabas na balitang ex-boyfriend siya ni Ella at ang nilagay niyang halimbawa ng historical revisionism ay tungkol sa naging pahayag ng magulang ni Ella na stalker umano siya ng aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa open letter ni Xian Gaza para kay Ella Cruz, sinabi niya na na-miss niya si Ella at nirerespeto nito ang opinyon niya ngunit nagbigay siya ng halimbawa ng pagkakaiba ng history, tsismis at historical revisionism. Aniya ang isang halimbawa ng historical revisionism ay nang maglabas ng pahayag ang magulang ni Ella na stalker umano siya ng aktres.

Read also

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

Xian Gaza, naglabas ng open letter para kay Ella Cruz kasunod ngpahayag nito kaugnay sa "history"
Xian Gaza, naglabas ng open letter para kay Ella Cruz kasunod ngpahayag nito kaugnay sa "history" (@christianalbertgaza)
Source: Facebook

Ang history umano ay ang tungkol sa naging malapit nila ni Ella noong taong 2016 na bukod sa naging business partners ay naging matalik silang magkaibigan.

HISTORY — Si Xian Gaza ay business partner ni Ella Cruz, sila ay matalik na magkaibigan. Si Xian ay family friend ng kanyang pamilya. Si Xian ay nabaliw kay Ella, minahal niya ito ng sobra. Palagi silang magkasama from October to December 2016. Nilibre niya ito sa iba't-ibang restaurant for 3 months at binigyan ng kung anu-anong regalo including iPhone 7 na kulay pink. Nilibre niya din ito ng tandem skydive sa Bantayan Island, Cebu.

Ang halimbawa naman umano ng tsismis ay ang lumabas na balitang ex-boyfriend siya ni Ella.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

TSISMIS — Si Xian Gaza ay ex-boyfriend ni Ella Cruz.

Aniya ang isang halimbawa ng historical revisionism ay nang maglabas ng pahayag ang magulang ni Ella na stalker umano siya ng aktres.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagpasaring tungkol sa "panghihimasok sa pamilya"

HISTORICAL REVISIONISM — "Si Xian Gaza ay stalker ng anak ko! Iniscam niya ang buong pamilya namin! May pa-billboard billboard pang nalalaman eh scammer naman!"

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapagpiyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Kamakailan ay nabanggit ni Xian si Dennis Padilla sa kanyang Facebook post na agad na nag-viral. Isang prangkang mensahe ang nilabas nito para kay Dennis tungkol sa Father's Day greetings. Ayon kay Xian, hindi dapat hinihingi sa mga anak ang ganoong pagbati. Aniya, hindi dapat umasa ng pagbati mula sa mga anak lalo na “kung wala kang kwentang tatay."

Kasunod ng pag-viral ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang pahayag tungkol sa "history," nag-post si Xian ng screenshot ng art card na naglalaman ng naging pahayag ni Ella. Kalakip din sa kanyang post ang kanyang picture na nagpapakita ng gulat na reaksiyon niya. Agad na umani ng reaksiyon at komento ang post na ito ni Xian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel