Lyca Gairanod, nalungkot sa pagkawasak ng lumang bahay dahil sa bagyong Paeng
- Binahagi ni Lyca Gairanod sa kanyang live video ang naiwang pinsala ng Bagyong Paeng sa kanilang lumang bahay
- Nawasak ang bahay na ayaw iwanan ng kanyang lola at pinagpapahingahan umano nito
- Hindi naman nila mapaayos pa ang bahay dahil malakas pa ang alon at maari pang maulit ang nangyari dahil maaring manalanta pa ang sumusunod na bagyo
- Gayunpaman, nilinaw ni Lyca na ipapaayos niya ang lumang bahay dahil alam niyang iyon ang magpapasaya sa kanyang lola
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ikinalungkot ni Lyca Gairanod ang pagkakawasak ng luma nilang bahay dahil sa Bagyong Paeng. Sa kanyang live video ay pinakita niya ang iniwang pinsala ng bagyo sa bahay na tinitirhan ng pamilya niya noong siya ay maliit pa.
Makikita ang ilang mga gamit ng kanyang lola na nasa buhangin matapos mawasak ang bahay na ayon kay Lyca ay pinagp[apahingahan ng kanyang lola kapag napapagod ito. Gustong-gusto umano ng lola niya na mamalagi doon kahit pa pinapatira nila ito sa kanilang bahay.
Hindi naman nila mapaayos pa ang bahay dahil malakas pa ang alon at maari pang maulit ang nangyari dahil maaring manalanta pa ang sumusunod na bagyo. Gayunpaman, nilinaw ni Lyca na ipapaayos niya ang lumang bahay dahil alam niyang iyon ang magpapasaya sa kanyang lola.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.
Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.
Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."
Source: KAMI.com.gh