Dating asawa ni Britney Spears, inaresto matapos manggulo sa araw ng kasal ni Britney

Dating asawa ni Britney Spears, inaresto matapos manggulo sa araw ng kasal ni Britney

- Kinasal na si Britney Spears kamakailan sa kanyang long-time boyfriend na si Sam Asghari nitong June 9, 2022

- Gayunpaman, ilang oras bago ang kanyang kasal ay sumugod ang ex-husband niyang si Jason Allen Alexander

- Ipinakita pa nito ang kanyang pagpasok sa property ni Britney kung saan ginanap ang kasal ng singer

- Ayon sa mga ulat ay inaresto ang dating asawa ni Britney sa ginawa nitong panggugulo ilang oras bago ang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sumugod ang ex-husband ni Britney Spears ilang oras bago ang kanyang kasal. Pinakita pa nito ang kanyang pagsugod sa property ni Britney sa pamamagitan ng isang live video.

Britney Spears (@britneyspears)
Britney Spears (@britneyspears)
Source: Instagram

Makikita ang dating asawa niya na hinanap si Britney at sinabi nito na inimbita siya ng kanyang dating asawa. Makikita din sa video ang pagpigil sa kanya ng ilang mga tao na naroroon.

Read also

11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa

Base sa kanyang live video, hindi pa nagsisimula ang kasal at wala pang masyadong tao na naroroon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa ulat ng Billboard.com, nagsampa ng restraining order ang kampo nina Britney laban sa dating asawa. Ayon sa abogado ni Britney, mayroong “Emergency Protective Order” na nilabas na effective sa loob ng "five to seven calendar days."

Kinumpirma nito na naaresto si Jason matapos ang kanyang ginawang pagpasok sa property ni Britney nang walang pahintulot.

Matatandaang kinasal sila ni Britney noong 2004 sa Las Vegas. Gayunpaman, agad din silang naghiwalay matapos ang 55 na oras.

Si Britney Jean Spears ay isang American singer at songwriter. Nakilala siya sa bansag na "Princess of Pop", matapos ang kanyang pagsikat noong 1990s at early 2000s. Kabilang sa kanyang mga hit singles ay Baby One More Time at Oops!... I Did It Again.

Read also

Skusta Clee, iniba na ang lyrics ng kanyang kantang "Zebbiana"

Nitong Abril lang nang isapubliko ni Britney ang kanyang pagdadalangtao sa kanyang asawang si Sam Asghari. Ito ang kanyang pangatlong anak. Naibahagi niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis isang buwan bago ginanap ang kanilang kasal.

Matatandaang noong 2019 ay ikinabahala ng mga tagahanga ng singer ang kanyang pag-post ng cryptic message sa social media. Gayunpaman, naglabas ng pahayag si Britney upang sabihin sa kanyang mga fans na wala silang dapat ikabahala at may pinagdadaanan lamang ang kanilang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel