Janice De Belen, kinuwento ang naging paghaharap nila ng naging third party sa pagsasama nila ng dating asawa

Janice De Belen, kinuwento ang naging paghaharap nila ng naging third party sa pagsasama nila ng dating asawa

- Naibahagi ni Janice De Bellen ang kanyang naging karanasan nang makaharap niya ang karelasyon ng dati niyang asawa noon

- Nagharap umano sila matapos hilingin ng management company na nais ng babaeng makipag-usap sa kanya para makahingi ng pasensiya

- Hindi naman daw niya sinaktan ang di na pinangalang babae ngunit pinamukha niya dito ang maaring nagawa sa kanya pag nagkataong ibang babae ang nasa katayuan niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Naibahagi pa ni Janice na naramdaman niyang nanginginig ito nang madaanan niya ito bago siya umalis

Ayon kay Janice De Bellen, pinagbigyan niya ang hiling sa kanya na makausap ng babaeng naging third party sa pagsasama nila ng dating asawang si John Estrada. Sa podcast nila kasama sina Gelli de Belen, Carmina Villarroel at Candy Pangilinan, naibahagi niya ang naging paghaharap nila.

Read also

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Janice De Belen, kinuwento ang naging paghaharap nila ng "other woman" ng dating asawa
Janice de Bellen (@super_janice)
Source: Instagram

Diretsahan niya umanong sinabi sa head ng company management na kailangan ay naroroon sila kapag mag-uusap sila ng babaeng karelasyon ng kanyang dating asawa.

"Eh kayo pala ang may gusto. Pero ang gusto ko, dapat and’yan kayo sa kuwarto para pag sinabing sinampal ko s’ya, sinampal ko talaga s’ya. Ayoko ng gawa-gawa."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Humingi umano ng dispensa ang babae at sinabing hindi niya alam ang tungkol sa kanilang mag-asawa.

"Sabi ko, ‘You did not know what? You did not know he’s married? You did not know artista ang asawa n’ya? Or you did not know anything?’"

Hindi naman daw niya sinaktan ang di na pinangalang babae ngunit pinamukha niya dito ang maaring nagawa sa kanya pag nagkataong ibang babae ang nasa katayuan niya.

Naibahagi pa ni Janice na naramdaman niyang nanginginig ito nang madaanan niya ito bago siya umalis.

Read also

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

"I stood up. Because there’s no point…Make it short. So pagtayo ko, ando’n s’ya sa may pintuan, palabas. Nararamdaman ko, nanginginig s’ya. Sabi ko sa kanya, ‘Relax! Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa.’ ’Tapos she left."

Ani Janice, noong nasa sitwasyon na yun ay hindi niya na naisip kung ano ang dapat niyang gawin.

"We can talk a million things. You can say, ‘Naku, pag nakita ko ’yan, tatakdyakan ko ’yan, sasampalin ko ’yan. But when you’re there in the situation, you will not know exactly what to do. You will not know."

Si Catherine Janice Yap de Belen o mas kilala bilang Janice de Belen ay isang Pinay actress, commercial model at television host. Dati siyang ikinasal kay John Estrada. Sumikat siya nang husto nang bumida siya sa teleseryeng Flordeluna na namayagpag sa ere mula 1979 hanggang 9984.

Matatandaang sa kanyang pag-guest bilang judge sa segment ng It's Showtime na 'Reina ng Tahanan', naibahagi ni Janice ang pagbabawal ng kanyang ex sa kanya noon. Hindi naman na niya binaggit kung sino ang tinutuloy niyang ex pero inagbawalan umano siyang magpagupit ng buhok noon.

Diretsahan namang sinabi ni Janice na ayaw niyang makatrabahong muli ang dating asawang si John Estrada. Ito ay matapos siyang tanungin ng anak na si Kaila kung handa ba siyang makatrabaho ang kanyang naging ex. Aniya, ayos lang sa kanya na makatrabaho niya ang ex na si Aga Muhlach.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel