Jayda Avanzado, binahagi ang behind-the-scenes ng pictorial nila

Jayda Avanzado, binahagi ang behind-the-scenes ng pictorial nila

- Sa isang TikTok video ay pinasilip ni Jayda Avanzado ang behind-the-scenes ng pictorial nila kamakailan

- Kasama niya ang kanyang kapwa mga Star Magic stars na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad

- Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea

- Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa kaya marami ang naintriga sa naturang video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa binahaging behind-the-scenes video ni Jayda Avanzado sa kanilang photoshoot kamakailan, marami ang naintriga. Dito makikita ang muling pagsasama nina Francine Diaz at Andrea Brillantes na nagkaroon ng isyu kamakailan.

Jayda Avanzado, binahagi ang behind-the-scenes ng pictorial nila
Jayda Avanzado (@jayda)
Source: Instagram

Karamihan sa mga makikita sa TikTok video ay sila Jayda at Francine ang laging magkasama at magkausap. Hindi naman ito nakapagtataka dahil hindi lingid sa publiko ang pagiging malapit nilang magkaibigan.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang palengke challenge kasama ang pamilya

Matatandaang naging usap-usapan ang unfollow isyu nina Francine at Andrea. Lumabas ang isyu matapos mag-viral ang picture nina Francine at Seth Fedelin kasama ang pamilya ng dalaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

May awkwardness lang sa situation but they are professional. Curious lng nag uusap kaya sila? (Andrea and Francine) hahahaah
Ganda tignan Francine and Andrea in one frame. Chin and blythe sana maging ok na sila. Imagine the awkwardness between Andrea and Francine.
Francine Andrea kahit papaano nakita namin kayo na magkasama. Awkward yet professional. Buti nalang nandyan ka Jayda.

Si Jayda Avanzado ang tanging anak ng mag-asawang mang-aawit na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Bilang anak ng dalawa sa pinakasikat na OPM singers sa bansa, hindi kataka-taka na tinahak din ni Jayda ang mundo ng pag-awit.

Read also

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

Sa katunayan ay nagkaroon siya ng isang online concert kamakailan na talaga namang naging matagumpay. Bukod dito ay may mga kanta siyang nailabas na. Naging usap-usapan din ang photoshoot ni Jayda para sa kaarawan niya.

Kamakailan ay kinagiliwan ang TikTok video nila ng kanyang inang si Jessa. Sinayaw nila kasama si Dingdong Avanzado ang "M.U. (Malabong Usapan)". Umani ito ng samu't-saring komento ang kanilang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel