Kim Chiu, pinakita ang pag-decorate ng niya ng kanyang Christmas tree

Kim Chiu, pinakita ang pag-decorate ng niya ng kanyang Christmas tree

- Binahagi ni Kim Chiu ang kanyang paggawa ng Christmas tree niya para sa taong ito kagaya ng nakasanayan niya tuwing pasko

- Aniya, matagal na ang kanyang Christmas tree na 12 talampakan ang taas kaya balak na sana niyang bumili ng bago

- Gayunpaman, dahil wala na umano siyang oras para makapamili ay ginamit na lang din niya ang Christmas tree niya na aniya ay 5-6 na taon na niyang ginagamit

- Marami naman sa mga tagahanga at subscribers ni Kim ang natuwa na muli ay pinakita ni Kim ang kanyang pag-aayos ng Christmas tree niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa lamang si Kim Chiu sa mga artistang nakasanayan nang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang personal na pag-aayos ng kanyang Christmas tree. Gahol man sa oras ay naihabol ni Kim ang kanyang Christmas decor sa bahay niya na may temang white Christmas.

Read also

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

Kim Chiu, pinakita ang pag-decorate ng niya ng kanyang Christmas tree
Kim Chiu, pinakita ang pag-decorate ng niya ng kanyang Christmas tree (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Ani Kim, dahil manipis na ang kanyang Christmas tree, nais sana niyang bumili ng bago ngunit dahil naging abala siya at wala na siyang oras ay minabuti niyang gamitin na lang ang dating Christmas tree na 5-6 na taon na umano niyang

Masaya naman si Kim sa kinalabasan ng kanyang Christmas decor sa kanyang bahay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel