Baron Geisler, sinagot ang umano'y mga bashers nang magtapos siya ng theology

Baron Geisler, sinagot ang umano'y mga bashers nang magtapos siya ng theology

- Naging usap-usapan kamakailan ang pagtatapos ni Baron Geisler ng kursong Theology

- Tila marami umano ang napataas ang kilay na sa dinami-rami ng kursong may kaugnayan pa sa mga aral ng relihiyon

- Pinasalamatan pa rin ni Baron ang mga taong nanghusga umano sa kanya at ipinaliwanag na hanggang ngayon ay sumasailalim sa programang upang makabangon sa kanyang alcohol addiction

- Sa kanyang kasagutan, umaasa rin siyang mas magagandang role ang maibibigay sa kanya na magbibigay inspirasyon at aral patungkol sa buhay pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sumagot si Baron Geisler sa mga taong nahusgahan pa siya at tila napataas pa ang kilay sa pagtatapos niya ng kursong theology.

Baron Geisler, sinagot ang mga napataas ang kilay nang magtapos siya ng theology
Baron Geisler, sinagot ang mga napataas ang kilay nang magtapos siya ng theology (@baron.geisler)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama sa kanilang Showbiz Update ay ang sagot ni Baron sa mga bashers nito na sa halip na maging masaya para sa kanya, kinuwestiyon pa umano ang napiling kurso na may kaugnayan sa relihiyon at Diyos.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Narito ang bahagi ng nilalaman ng pahayag ni Baron na binasa ni Mama Loi:

"Guys, I appreciate your congratulatory messages. But I really did not work that hard to earn a degree in theology. I take it as a blessing. I am still a work in progress. I'm still in treatment for my alcohol addiction. Hoping that ai will get better roles in the future."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapanood ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas ngayon dahil sa pandemya.

Kamakailan ay gumawa ng ingay ang pangalan ni Baron dahil sa umano'y pagsubok na hinarap nilang mag-asawa.

Read also

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

Ito ay dahil sa post ng misis ni Baron patungkol sa isang Viva talent na umano'y nag-book ng sasakyan para kay Baron patungo sa kanilang lugar para raw makipag-inuman.

Wala pang 24 oras, burado na ang nasabing post at tila naayos na nilang mag-asawa ang mga kaganapan.

Sinundan ito ng post ng ni Baron kung saan nag-congratulate naman sa kanya ang misis na si Jaime sa tagumpay umano ng proyekto ng aktor na Pusoy na mapapanood sa VivaMax.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel