Jaime Fabregas at Ronnie Lazaro, nakiisa sa flash mob ng mga Kakampink sa Quezon City

Jaime Fabregas at Ronnie Lazaro, nakiisa sa flash mob ng mga Kakampink sa Quezon City

- Nakiisa si Jaime Fabregas at Ronnie Lazaro sa flash mob ng mga Kakampink sa Tatalon, Quezon City

- Kasama rin nila ang kilalang theater actor at Batibot host na si Bodjie Pascua

- Bukod dito, namataan din si Fabregas na nagha-house to house at ikinakampanya si VP Leni Robredo sa pagka-presidente

- Matatandaang minsan na ring naibahagi ni Celeste Legazpi ang flash mob na naganap naman kung saan kasama rin si 'Kuya Bodjie'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakiisa ang batikang aktor sa bansa na si Jaime Fabregas sa flash mob ng mga Kakampink sa Tatalon, Quezon City.

Jaime Fabregas at Ronnie Lazaro, nakiisa sa flash mob ng mga Kakampink sa Quezon City
Jaime Fabregas at Ronnie Lazaro (Photo from Avic Ilagan)
Source: Facebook

Kasama rin sa naturang flash mob ang isa ring mahusay na aktor na si Ronnie Lazaro gayundin ang kilalang host ng 80's children show na Batibot.

Unti-unti ring lumabas at nakikanta ang inakalang mga napadaang tao lamang sa kalsada hanggang sa lahat ay kumanta na ng makabayang awitin na 'Handog ng Pilipino sa Mundo' ni Raul Sunico.

Read also

Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo

Bahagya rin nilang binago ang lyrics ng kanta upang maging akma sa kampanya nila para sa 'Leni-Kiko tandem.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Teatro Tao sa Tao Flash Mob, Cabalata Street, Tatalon, Quezon City (28 April 2022, 4 PM). Theater peeps joined by Jaime Fabregas, Bodjie Pascua and Ronnie Lazaro in the afternoon flash mob and Tao sa Tao campaign for Leni-Kiko and Tropang Angat" ang caption ng video na ibinahagi ni Avic Ilagan.

Bukod pa sa flash mob na ito na ang layunin ay mahikayat ang publiko na iboto ang 'Leni-Kiko tandem,' namataan ding nag-house to house si Fabregas bilang bahagi ng boluntaryong pagkampanya kay Robredo.

Narito ang kabuuan ng video:

Isa lamang ang grupo ng mga theater actor at actress sa mga volunteer performers at supporters ng "Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem" at ng mga senatoriables ng 'Tropang Angat."

Read also

Isko Moreno sa mga 'pula', 'dilaw' at 'pink': "Tuldukan na natin ang away nila sa Mayo 9"

Unang nagpakita ng suporta sa mga Kakampink si Ely Buendia ng dating Eraserheads, Rivermaya, Ebe Dancel ng dating Sugarfree, Itchyworms, Dicta Licens, Kean Cipriano ng Callalily.

Parami rin ng parami umano ang mga celebrities na sumusuporta kay VP Leni tulad nina Jolina Magdangal, Julia Barretto, Cherrie Pie Picache at Edu Manzano, Pokwang at marami pang iba.

Samanatala, binisita rin ng grupo ni VP Leni ang Palawan kung saan napaindak pa ito sa Occidental Mindoro kasama ang mga 'Youth for Leni' at nagsayaw ng Mangyan traditional dance.

Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica