Isko Moreno sa mga 'pula', 'dilaw' at 'pink': "Tuldukan na natin ang away nila sa Mayo 9"
- Isang video ang ibinahagi ni Mayor Isko Moreno sa patuloy na pangangampanya niya sa pagka-pangulo ng bansa
- Ipinakita rin niya ang viral video na kuha sa isang mall sa Makati kung saan sumisigaw ng 'BBM' ang mga nakapulang supporters at naroon din ang ilang 'Kakampink'
- Ayon kay Mayor Isko, 'toxic' na umano ang ang ganoong klase ng pangyayari
- Kamakailan ay umugong ang pangalan ni Mayor Isko Moreno nang masabi niyang ang 'Withdraw Leni"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang video ng panibago niyang panawagan na piliin siya sa pagka-pangulo sa May 9 election.
Una niyang ipinakita ang video ng mga BBM supporters na nasa isang mall sa Makati. Makikitang may ilang mga 'Kakampink din sa lugar.
Dahil dito, maririnig naman ang kanya-kanya nilang hiyawan na "BBM" at "Leni".
Kaya naman paghihikayat ni Mayor Isko publiko, na kung pagod na umano ang mga ito sa pagsuporta sa iba't ibang kulay, siya na lamang umano ang piliin na maihalal sa darating na eleksyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang post mula sa kanyang Facebook page na Isko Moreno Domagoso:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.
Oktubre 4, 2021 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.
Ilang araw matapos na mag-file noon ng candidacy ay umugong na agad ang 'Withdraw Isko' at hiniling ng ilan na tumakbo na lamang ito bilang bise presidente.
Agad naman itong sinangga ng presidential candidate at sinabing karapatan pa rin niya ang tumakbo sa posisyong nais niyang magampanan.
Kamakailan, naging usap-usapan naman ang kanilang joint press conference kasama ang iba pang mga presidential candidates na sina Senator Ping Lacson, Secretary Norberto Gonzales at maging si Senator Manny Pacquiao. Ipinahayag nilang tuloy pa rin ang kanilang kampanya sa kabila ng umano'y nag-uudyok sa kanila na itigil na umurong na sa kanilang kandidatura.
Source: KAMI.com.gh