Cristy Fermin, bilib na bilib kay Andi Eigenmann sa buhay na pinili nito sa Siargao

Cristy Fermin, bilib na bilib kay Andi Eigenmann sa buhay na pinili nito sa Siargao

- Bilib na bilib umano si Cristy Fermin sa buhay na pinili ni Andi Eigenmann sa Siargao

- Ayon kay Cristy, hindi niya sukat akalain na pipiliin umano ni Andi ang ganoong simpleng buhay at tuluyang tinalikuran ang showbiz

- Mababakas umano ang kasiyahan sa dating aktres na kasama ang mga mahal niya sa buhay sa Siargao

- Lalo na at maging ang ina nitong si Jaclyn Jose ay suportado ang desisyon ni Andi na iwan ang Maynila at showbiz upang mamuhay sa probinsya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hangang-hanga si Cristy Fermin sa dating aktres na si Andi Eigenmann na ngayo'y nananatili pa rin sa Siargao.

Cristy Fermin, bilib na bilib kay Andi Eigenmann sa buhay na pinili nito sa Siargao
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Aniya, bumilib sila sa piniling buhay ng aktres na tila malayo sa kinagisnang buhay sa siyudad at sa showbiz.

Ayon pa kay Cristy, si Andi pa rin ang maituturing na pinakamagandang babae sa Siargao lalo na at litaw na litaw umano ang kasiyahan nito kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Read also

Julia Barretto, nanlaki ang mata sa tanong ni Mama Loi ukol kay Gerald: "Si Mommy andiyan"

Matapos ang Bagyong Odette na siyang sumira rin sa tahanan nina Andi at fiancé na si Philmar Alipayo, unti-unti na ngayong nakabangon ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katunayan, mayroon na sila ngayong surfing school na tinawag nilang 'Kanaway.' Habang si Andi naman ay mayroong snak bar malapit doon.

Narito ang kabuuan ng update kay Andi at kanyang pamilya mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Si Andi Eigenmann ay isang dating aktres na anak ng mga kilalang artista sa bansa na sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Samantala si Cristy Fermin ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Read also

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin pagdating sa kagandahan ay ang aktres na si Bea Alonzo.

Taliwas sa 'di umano'y komento ng iba na tila alangan na ang aktres sa makakapareha nito sa Kapuso network adaptation ng Korean series na 'Start Up,' hanga pa rin si Cristy sa ganda ng aktres para sa edad nito.

Kapansin-pansin daw umano ang pag-aalaga nito sa sarili at hinangaan din nila ang pangkabuhayan ni Bea na kitang-kita ang lawak at ganda ng farm nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: