Cristy Fermin, todo puri sa umano'y lalaking 'minamahal' ni Ivana Alawi

Cristy Fermin, todo puri sa umano'y lalaking 'minamahal' ni Ivana Alawi

- Puring-puri ni Cristy Fermin ang umano'y lalaking minamahal umano ni Ivana Alawi

- Aniya, bukod sa kilalang personalidad ito, likas na matulungin din ang lalaking ito

- Nagkikita raw ang dalawa na subalit hindi pa rin daw talaga nila ito isinasapubliko

- Maging si Ivana mismo ay pinuri ni Cristy Fermin lalong-lalo na umano ang pagmamalasakit nito sa kapwa at sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasabi ni Cristy Fermin na mayroon nang 'minamahal' ang aktres at vlog content creator na si Ivana Alawi.

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa napag-usapan nila nina Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang bagong episode ng 'Showbiz No Na!"

Cristy Fermin, todo puri sa umano'y lalaking 'minamahal' ni Ivana Alawi
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Hangang-hanga umano si Cristy sa aktres lalong-lalo na ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Gayundin sa dami ng natulungan niyang taong nangangailangan.

Read also

PBB, nag-imbita ng historian kaugnay sa kontrobersyal na 'MaJoHa' issue

Kaya naman sinasabing masuwerte umano ang lalaking magpapatibok ng puso ni Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Totoo po 'yun meron po talagang minamahal si Ivana Alawi. Hindi po siya tumitingin sa kagwapuhan, katangkaran, basta mahal niya itong taong ito."

Sinegundahan naman ito ni Romel na kahit sino pa raw ang lalaking na-link kay Ivana ay mabilis na namamatay ang chismis.

Nilarawan naman ni Cristy na 'matulungin' umano ang minamahal na ito ni Ivana.

"'Yung kanyang karisma at kabaitan, mapaglingkod ito," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Aika Robredo, dumulog na sa NBI kaugnay sa umano'y pekeng malisyong video

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Pinakaaabangan din ng marami ang kanyang pagbabalik telebisyon para sa isang Kapamilya teleserye.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: