Pokwang, kinaaliwan dahil sa kanyang tugon sa bashers na nagsabing pangit sila ni Melai
- Kinaaliwan ng ilang netizens ang buwelta ni Pokwang sa kanyang bashers
- Sa isang tweet ay diretsahan niyang sinagot ang mga bashers nila ng kapwa niya komedyanteng si Melai Cantiveros
- Sinagot ni Pokwang ang ilang mga bashers na nagsabing pangit umano sila ni Melai
- Aniya, hindi nila kailanman sinabing maganda sila at kung may sinabi daw na maganda sila ay fake news iyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Simple lang ang naging tugon ni Pokwang sa mga bashers na nagsabing pangit sila ni Melai Cantiveros. Aniya, hindi naman nila sinabi na maganda sila.

Source: Instagram
Aniya, kung meron mang nagsabing maganda sila, fake news iyon. Bilang mga parehas na supporters ni Vice President Len Robredo, madalas na makatanggap ng pambabatikos sina Pokwang at Melai mula sa mga supporters ng ilang presidential aspirants.
Maging si Melai ay hindi nakakaligtas sa pambabatikos. Katunayan kamakailan lang ay dinamay pa ng isang basher ang kanyang anak kaya minabuti ni Melai na aksyunan ang naturang basher. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram post ang naging komento ng basher pati na rin ang mukha nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si K Brosas ay hindi din nakaligtas. Narito ang kanyang komento sa nagsabing laos na siya.
lol! haaay! meron din ilan na nagsasbi na “laos ka laos!” ehhh kelan ko ba sinabi na sikat ako?! kelaaaaaan??! hehe labyu!
Isa din si K sa mga hayagang nagpapakita ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni kaya ilang beses na ring nkatanggap ng pambabatikos si K.
Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer,at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naing host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.
Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.
Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instgram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.
Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.
Source: KAMI.com.gh