Pagkanta ni AJ Raval sa 'Arat na Cebu', agaw-eksena sa social media

Pagkanta ni AJ Raval sa 'Arat na Cebu', agaw-eksena sa social media

- Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni Aj Raval nang kumanta ito sa 'Arat na Cebu' kamakailan

- Dalawang awitin ang kinanta ni AJ na kinagiliwan maging ng mga netizens

- Naging usap-usapan din ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng libo-libong Cebuano dahil sa stampede na naganap doon

- Wala namang naiulat na nasawi subalit mayroon nagtamo ng serious injuries

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena ngayon sa social media ang performance ni AJ Raval sa 'Arat na Cebu' na ginanap sa Cebu City Sports Complex noong Marso 26.

Nalaman ng KAMI na dalawang awitin ang kinanta ni AJ na kinagiliwan maging ng mga netizens.

Pagkanta ni AJ Raval sa 'Arat na Cebu', agaw-eksena sa social media
Pagkanta ni AJ Raval sa 'Arat na Cebu', agaw-eksena sa social media (@ajravsss)
Source: Instagram

Sa video na naibahagi rin ng News 5, kinanta ni AJ ang 'Stick With U' ng Pussycat Dolls at 'That's What you get' ng Paramore.

Talagang nag-viral ang video na ito ni AJ lalo na at ito ang unang pagkakataon na napanood nila ang aktres na kumanta sa entablado.

Read also

Larawan ni Tricia Robredo na nakipag-kamay sa BBM supporter, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naging kontrobersyal din talaga ang nasabing pagtitipon na ito na dinaluhan ng libo-libong Cebuano dahil sa nangyaring stampede sa dami ng mga nais na makapasok at makapanood.

Wala mang naiulat na nasawi sa stampede subalit marami-rami naman ang nasaktan.

Samantala, narito ang video ng pag-awit ni AJ na ibinahagi rin ng News 5:

Si AJ Raval na anak ng dating action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez, ay isa sa pinaka in-demand na bagong artista sa kasalukuyan.

Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" nsa direksyon ni Darryl Yap

Gumawa naman lalo ng ingay ang pangalan ni AJ nang ma-link ito sa aktor na si Aljur Abrenica na hiwalay na 'di umano sa asawa nitong si Kylie Padilla.

Read also

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Matapos ito, madalas na kasing makita na magkasama sina AJ at Aljur na unang namataang magka-akbay at magkaholding-hands sa mall.

Noo'y inamin ng aktres na nanliligaw si Aljur na humantong sa kabi-kabilang kontrobersya.

Hindi naman naging maganda ang pagtanggap ng ama ni AJ na si Jerick sa kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel