Will Smith, naluha sa acceptance speech sa Oscars matapos sampalin si Chris Rock

Will Smith, naluha sa acceptance speech sa Oscars matapos sampalin si Chris Rock

- Si Will Smith ang nanalo ng Best Actor award sa 94th Academy Awards

- Ito ay para sa kanyang critically-acclaimed role sa drama movie na “King Richard”

- Naluha si Will habang nagbibigay ng acceptance speech onstage

- Ito ay nangyari ilang minuto matapos niyang sampalin ang komedyanteng si Chris Rock dahil sa pagbibiro nito ukol sa alopecia o hair loss ni Jada Pinkett Smith, asawa ni Will

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagwagi ang Hollywood actor na si Will Smith sa Best Actor race sa 94th Academy Awards.

Will Smith, naluha sa acceptance speech sa Oscars matapos sampalin si Chris Rock
Will Smith, naluha sa acceptance speech sa Oscars matapos sampalin si Chris Rock (Screengrab from 94th Academy Awards on ABC)
Source: UGC

Natanggap niya ang prestigious award para sa role niya sa drama movie na “King Richard.”

Sa kanyang acceptance speech, hindi napigilan ni Will ang pagluha. Binanggit din niya sa speech ang pagiging isang “defender.”

Narito ang acceptance speech ni Will Smith sa 94th Academy Awards sa ABC:

Read also

Will Smith, sinampal si Chris Rock sa Oscars 2022 dahil sa joke nito ukol sa asawa niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nangyari ito ilang minute matapos niyang sampalin ang komedyanteng si Chris Rock sa nasabing awards show.

Sinampal ng aktor si Chris nang mag-biro ito ukol sa alopecia o hair loss ni Jada Pinkett Smith, asawa ni Will.

Sari-sari ang reaksyon ng netizens ukol sa insidente. May mga nagsabing ipinagtanggol lamang ni Will ang kanyang asawa. May mga nagsabi rin na dapat kasuhan si Will dahil physical assault ang ginawa niya kay Chris.

Si Will Smith ay isang sikat na Hollywood actor, kilala sa mga movies niyang “Men in Black”, “Independence Day”, at “Bad Boys.” Nanalo siya ng Best Actor in Leading Role award sa 2022 Oscars. Asawa niya ang aktres na si Jada Pinkett Smith at anak naman nila ang aktor na si Jaden Smith.

Read also

Kim Chiu, pinangarap umano makapagtrabaho bilang cashier

Sa nakaraang report ng KAMI, humanga si Will Smith sa Filipina singer na si Morissette Amon sa kanilang online meeting. Ibinahagi ng official Facebook page at YouTube channel ng Walt Disney PH ang naturang pagkikita ni Will at Morissette. Sa nasabing pagkikita ay hiniling ni Will Smith na mag-duet sina Morissette Amon at Alan Menken.

Nag-react naman si Lea Salonga sa viral meeting nina Will Smith at Morissette Amon. Nagpasalamat si Lea sa kabutihang pinakita ng aktor tungo sa Pinay singer. Pinuri rin ni Lea si Morissette dahil sa matinding achievement nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta