PGT finalist Joven Olvido, muling inaresto sa umano'y pagbebenta ng ilegal na droga
- Arestado sa isang buy-bust operation sa Sitio San Miguel, Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna si Mark Joven Olvido
- Si Olvido ay dating finalist ng "Pilipinas Got Talent" na tinaguriang "Vape Master" ng programa
- Matapos itong makilala sa PGT, ay nagkaroon ito ng pagkakataong lumabas sa ilang pelikula at sa "FPJ: Ang Probinsiyano" ng ABS-CBN
- Matagal na umanong nasa watch list si Olvido na unang naaresto noong Mayo ng 2021
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Muli inaresto ang 2018 finalist ng Pilipinas Got Talent na si Mark Joven Olvido sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna nitong Biyernes ng gabi, February 18.
Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa pagbibenta niya umano ng ipinagbabawal na droga na nabili umano sa kanya ng isang pulis na nagpanggap na buyer. Php500 ang halaga ng selyadong pakete.
Sa ulat PEP, sinabing nakuha rin kay Olvido ang shabu na tinatayang nasa Php85,000 ang halaga.
Nakumpirmang muling nagbebenta si ang dating PGT finalist at naging bahagi rin ng teleserye ni Coco Martin, ang 'FPJ's Ang Probinsyano.'
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matagal na umanong nasa watchlist ng DEU sa Laguna si Olvido na ikalawang beses nang naaresto.
Matatandaang noong Mayo 2021, ginulantang din nito ang publiko nang una siyang maarestp kaugnay din sa ipinagbabawal na shabu.
Nasampahan siya noon ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article 11 ng Republic Act 9165. Ito ay ang Comprehensive Dangerous Drügs Act ng 2002.
Samantala, ito naman ang naging performance niya sa Pilipinas Got Talent noong 2018:
Si Mark Joven Olvido ay dating tricycle driver na nakilala sa Pilipinas Got Talent Season 6 kung saan tinagurian siya bilang si "Vape Master."
Dahil sa angking husay niya sa pagpapatawa, humanga sa kanya ang mga hurado na sina Vice Ganda, Robin Padilla, Angel Locsin at si Freddie "FMG" Garcia.
Napasama rin siya sa nga mga naging cast ng 'FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin subalit hindi rin siya gaanong nagtagal sa programa.
Bukod dito, nagkaroon din siya ng ilang proyekto na pelikula tulad ng 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon! (2019) at Unli Life (2018).
Source: KAMI.com.gh