Dawn Chang, umalma sa netizen na nagsabing wag siyang makisawsaw sa pulitika

Dawn Chang, umalma sa netizen na nagsabing wag siyang makisawsaw sa pulitika

- Sunod-sunod ang tweet ni Dawn Chang kaugnay sa mga mensahe at komento sa kanya ng mga netizens

- Nagpasalamat siya sa mga nagpapakita sa kanya ng suporta para palakasin ang loob niya sa gitna ng pambabatikos na kanyang natatanggap

- Meron din namang nagsabi sa kanya na huwag na siya sumawsaw sa pulitika at tinanong pa nito si Dawn kung sikat na daw ba ito

- Sagot naman ni Dawn, kung kasikatan ang basehan para magkaroon ng karapatang magsalita ay ang naturang netizen dapat umano ang manahimik

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inatrasan ni Dawn Chang ang mga negatibong komento ng ilang netizens sa kanya. Sunod-sunod ang tweet ni Dawn upang sagutin ang mga mensahe at komento sa kanya.

Dawn Chang, umalma sa netizen na nagsabing wag siyang makisawsaw sa pulitika
Dawn Chang/@thedawnchang
Source: Instagram

Pinaslamatan niya ang mga netizens na nagpapakita sa kanya ng suporta para palakasin ang loob niya sa gitna ng pambabatikos na kanyang natatanggap.

Read also

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

Isang Twitter user naman ang nagsabi sa kanya na hindi na ito dapat makisawsaw sa pulitika. Tinanong pa nito si Dawn kung sikat na daw ba ito.

Kung gusto mo magka career wag kang makisawsaw sa politika. Unless gusto mo mapansin at bayaran ang endorsement mo. Kaso sikat ka ba? May fan base ka na ba?

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot naman ni Dawn, kung kasikatan ang basehan para magkaroon ng karapatang magsalita ay ang naturang netizen dapat umano ang manahimik.

ung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka.

Matatandaang pinalagan ng legal counsel ni Cristy Fermin ang inilabas na pahayag ng kampo ni Dawn kung saan humingi sila ng public apology. Humingi din ng public apology ang abogado ni Cristy at nagbigay din ito ng deadline.

Read also

Groom na 'di napigil ang pag-iyak sa kanyang wedding vows, kinagiliwan online

Si Dawn Chang ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.” Naging TV host din siya at naging bahagi ng ilang TV shows.

Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang reaksiyon kaugnay sa pagpapakilala ni Toni Gonzaga sa isang tao na umano'y isa sa mga naging daan sa pagpapasara ng ABS-CBN. Kasunod nito ay nagbigay din ng reaksiyon si Cristy Fermin kaugnay dito sa pamamagitan ng kanyang programa. Gayunpaman, pinalagan ng kampo ni Dawn ang umano'y malisyosong komento ni Cristy.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate