Kampo ni Cristy Fermin, pinalagan ang hamon ng abogado ni Dawn Chang
- Kasunod ng paghingi ng public apology ng kampo ni Dawn Chang, naglabas din ng statement ang abogado ni Cristy Fermin
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Humiling din sila ng public apology mula sa abogado ni Dawn dahil umano sa nilabag nito na Code of Professional Responsibility
- Nagbigay din sila ng palugit kung hanggang kailan pwedeng maglabas ng apology ang abogado ni Dawn
- Matatandaang nag-uagat ito matapos magkomento si Cristy Fermin kagnay sa pahayag ni Dawn Chang sa pagpapakilala kamakailan ni Toni Gonzaga sa sa isang tao na umano'y isa sa mga naging daan sa pagpapasara ng ABS-CBN
Pinalagan ng legal counsel ni Cristy Fermin ang inilabas na pahayag ng kampo ni Dawn Chang kung saan humingi sila ng public apology. Humingi din ng public apology ang abogado ni Cristy at nagbigay din ito ng deadline.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Demand letter din ang sagot ng kampo ng veteran columnist/TV & radio host na si Cristy Fermin sa demand letter na inilabas ni Dawn Chang at ng legal counsel nito.
Sa isang ulat ng Abante, ibinahagi nila ang statement ng mga legal counsels ni Cristy na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Joselito O. Lomangaya.
Humiling din sila ng public apology mula sa abogado ni Dawn dahil umano sa nilabag nito na Code of Professional Responsibility.
“Therefore, let us be the one to give you, Atty. Rafael Vicente R. Calinisan, a deadline of until midnight of 16 February 2022, within which to PUBLICLY APOLOGIZE to our client who, it cannot be denied, is already considered an icon in the field of entertainment media, and who has been a writer and radio and television personality for several decades.
Si Dawn Chang ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.” Naging TV host din siya at naging bahagi ng ilang TV shows.
Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang reaksiyon kaugnay sa pagpapakilala ni Toni Gonzaga sa isang tao na umano'y isa sa mga naging daan sa pagpapasara ng ABS-CBN. Kasunod nito ay nagbigay din ng reaksiyon si Cristy Fermin kaugnay dito sa pamamagitan ng kanyang programa. Gayunpaman, pinalagan ng kampo ni Dawn ang umano'y malisyosong komento ni Cristy.
Source: KAMI.com.gh