Enchong Dee, boluntaryo na umanong sumuko sa NBI Quezon City

Enchong Dee, boluntaryo na umanong sumuko sa NBI Quezon City

- Boluntaryo na umanong sumuko ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa NBI

- Ito ay kaugnay sa kasong libel ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim

- Matatandaang napabalita ang umano'y pagpunta na ng mga awtoridad sa address ng aktor sa Cubao, Quezon City ngunit hindi nila ito natagpuan doon

- Nanatiling tahimik si Dee sa naturang kaso sa kanya kung saan napanood pa umano siya sa kanyang YouTube channel at ilang Kapamilya shows

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Boluntaryo nang sumuko sa National Bureau of Investigation sa Quezon City ang aktor na si Enchong Dee.

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa kasong libel na isinampa sa kanya ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto ng nakaraang taon.

Enchong Dee, boluntaryo na umanong sumuko sa NBI Quezon City
Enchong Dee (@mr_enchongdee
Source: Instagram

Sa ulat ng Manila Bulletin, kasalukuyang naka-detain ang Kapamilya actor sa NBI at hindi pa umano nakapagpiyansa gayung nakalipas na ang office hours nang magtungo ito sa ahensya.

Read also

Rita Avila, nakausap na si Boy Abunda; "Out of decency, I reached out to him"

Ayon pa sa Fashion Pulis, nahaharap sa kasong Criminal Case No. 03 (2022) for Libel (RPC Art 353) in rel. to 355 of the RPC in further rel. to Sec 4(c) (4) and (6) of RA No 10175 ang aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nadiin si Dee matapos na mag-post umano ito ng umano'y malisyong tweet kaugnay na naging kasalan ni Bautista-Lim kung saan nasabi nitong maaring ang ginamit sa gastusin sa kasal ay ang pondo raw ng party list nito.

Matatandaang napabalita ang umano'y pagtungo na ng mga awtoridad sa address ng aktor sa Cubao, Quezon City ngunit hindi nila ito natagpuan doon.

Sinabi rin sa Inquirer na isa sa mga huling vlog ni Dee ay ang tungkol sa paghingi ng dasal at tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette bago ang Kapaskuhan.

Read also

Madam Inutz, natanong kung may camera sa CR ng PBB house; "Ay, meron!"

Sinundan naman ito ng kanyang hometown tour na ipinalabas lamang sa kanyang YouTube channel nitong Enero 2022.

Burado na ang naturang tweet at naglabas na noon ng public apology ang aktor.

Si Ernest Lorenzo Velasquez Dee o mas kilala bilang si Enchong Dee ay isang Pinoy actor, model, at swimming enthusiast. Una siyang nakilala sa teleserye ng Kapamilya network na "Katorse" na pinagbibidahan ng malapit niyang kaibigan na si Erich Gonzales.

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media si Enchong matapos na ilabas ang 1 billion cyber libel case laban sa kanya.

Nanatiling tahimik ang aktor kaugnay nito at nakita pang lumabas sa ilang mga programa sa ABS-CBN.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: