Ryan Bang, nawalan ng kumpiyansa sa sarili noon kaya tumigil sa panliligaw kay Yeng Constantino
- Sa sumunod na araw mula nang mag-trending ang naudlot na panliligaw noon ni Ryan Bang kay Yeng Constantino, inamin ni Ryan na hindi siya nakatulog ng maayos
- Aniya, maraming "what ifs" sa kanyang isipan kaugnay sa mga nangyari matapos niyang malaman na may pag-asa pala dapat siya kay Yeng noon
- Ayon kay Ryan, noong mga panahong iyon, nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili dahil hindi pa ganoon kaayos ang katayuan niya sa buhay
- Para naman kay Yeng, inisip niyang baka naartehan na si Ryan sa kanya at nakahanap na ng ibang mas nagustuhan niya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos nga mag-trending sa iba't-ibang social media platforms ang kwento tungkol sa naudlot na panliligaw noon ni Ryan Bang kay Yeng Constantino, inamin ni Ryan na hindi siya nakatulog ng maayos. Aniya, maraming "what ifs" sa kanyang isipan kaugnay sa mga nangyari matapos niyang malaman na may pag-asa pala dapat siya kay Yeng noon.
Ayon kay Ryan, noong mga panahong iyon, nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili dahil hindi pa ganoon kaayos ang katayuan niya sa buhay.
Naduwag ako kaya hindi ko tinuloy yung nararamdaman ko. Hindi ko napanindigan yung nararamdaman ko kasi natakot ako sa sarili ko. Tuwing kumakain kami, sya nagbabayad. Gusto ko i-libre yung pamilya nya pero wala talaga akong pera eh. Pumunta ako sa concert nya ang daming tao, ang daming nagpapapicture pero ako walang nakakakilala sakin. Nahiya ako sa sarili ko. Hindi ako para sayo, yun yung nararamdaman ko.
Para naman kay Yeng, inisip niyang baka naartehan na si Ryan sa kanya at nakahanap na ng ibang mas nagustuhan niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.
Matatandaang agad na nag-viral ang video kamakailan sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.
Kasunod naman ng viral na video na ito ay napatawag umano si Ryan kay Jason Francisco. Ito ay para ikwento ang sinabi ni Yeng tungkol sa kanilang nakaraan. Ayon kay Melai, si Jason umano ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw siya kay Yeng.
Source: KAMI.com.gh