Kris Aquino, nagpasalamat sa lahat ng nagpakita ng pagmamalasakit sa kanya

Kris Aquino, nagpasalamat sa lahat ng nagpakita ng pagmamalasakit sa kanya

- Sa kanyang ibinahaging mensahe sa kanyang Instagram post, hindi kinaligtaan ni Kris Aquino na pasalamatan ang mga taong nagmalasakit sa kanya

- Ito umano ang kanyang mga tunay na kaibigan na nagpadala ng pagkain, prutas, bulaklak at balloons upang ipadama sa kanya ang kanilang pag-aalala at pagmamahal

- Ito ay sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang auto-immune disease na nagdulot ng pagkabahala hindi lamang sa mga kaibigan ng aktres kundi maging sa mga supporters nito

- Ani Kris, patuloy siyang lalaban upang maging maayos ang kanyang kalusugan para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Taos-pusong pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga taong nagpakita ng kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanya sa gitna ng kanyang kinakaharap ng pakikipaglaban sa kanyang sakit.

Kris Aquino, nagpasalamat sa lahat ng nagpakita ng pagmamalasakit sa kanya
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Sa kanyang ibinahaging mensahe sa kanyang Instagram post, hindi kinaligtaan ni Kris na pasalamatan ang mga aniya'y tunay niyang kaibigan na nagpadala ng pagkain, prutas, bulaklak at balloons upang ipadama sa kanya ang kanilang pag-aalala at pagmamahal.

Read also

Ivana Alawi, may mahigit isang bilyong views na ng videos sa kanyang YT channel

To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love & affection- you have my lifelong loyalty & gratitude.

Ito ay sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang auto-immune disease na nagdulot ng pagkabahala hindi lamang sa mga kaibigan ng aktres kundi maging sa mga supporters nito. Ani Kris, patuloy siyang lalaban upang maging maayos ang kanyang kalusugan para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Angeline Quinto, ibinahagi ang mga pagbabago sa kanyang katawan

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento. Gayunpaman, kamakailan lang nang ibahagi ni Kris na nagpasya silang dalawa na maghiwalay na lamang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel