Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagdiwang ng kanilang 29th anniversary

Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagdiwang ng kanilang 29th anniversary

- Sa kanilang paggunita ng kanilang ika-29 na taon na magkasama bilang magkarelasyon, ibinahagi ni Gladys Reyes ang ilan sa kanilang mga litrato

- Aniya, hindi naging madali at hindi din perpekto ang kanilang halos tatlong dekadang relasyon

- Gayunpaman, kinaya umano nila at naging posible ang lahat dahil sa pagkapit nila sa kanilang faith

- Bukod sa mga pagbati, marami din ang naghayag ng kanilang paghanga sa magandang samahan ng mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang taon na lamang at mag-ta-tatlong dekada nang magkarelasyon sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Sa kanilang paggunita ng kanilang ika-29 na taon na magkasama, ibinahagi ni Gladys Reyes ang ilan sa kanilang mga litrato.

Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagdiwang ng kanilang 29th anniversary
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Aniya, hindi naging madali at hindi din perpekto ang kanilang halos tatlong dekadang relasyon. Gayunpaman, kinaya umano nila at naging posible ang lahat dahil sa pagkapit nila sa kanilang faith.

Read also

Video ng fitness journey kung paano nabawas ang 50 lbs kay Andi, viral na

Almost 3 decades!! Yes,it's possible! It wasn't easy, it wasn't perfect but our faith made us stronger, holding on to what we have that is beautiful and rare. Happy Anniversary bebe

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa mga pagbati, marami din ang naghayag ng kanilang paghanga sa magandang samahan ng mag-asawa.

Sa isa pang post, pinasalamatan naman ni Gladys ang mister sa pagsorpresa nito sa kanya. Isang simpleng selebrasyon ang kanilang ginawa.

29 years of togetherness...Our simple celebration is not complete without our favorite dish from @sommereuxcatering. Thank you bebe for the surprise! Thank you God for blessing us all these years!!

Si Gladys ay sumikat dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles. Isa siya sa pinakatinitingalang pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas.

Read also

Kim Chiu, lumipat muna ng tirahan dahil sa pagpositibo sa COVID ng kasama sa bahay

Ang kanyang pagganap bilang si Clara sa teleseryeng Mara Clara ang naging daan sa kanyang pagsikat sa pag-arte. Gumanap siya bilang kontrabida sa nasabing serye na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na umere sa ABS-CBN.

Kinalaunan, lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan naman siya ng iba't-ibang oportunidad at TV shows. Kamakailan, ipinagtanggol ni Gladys ang asawang si Christopher matapos mabatikos kaugnay sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag din ang aktres matapos umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens ang isang video ng kanyang bunsong anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel