Bunsong anak nina Iya Villania at Drew Arellano na si Alana, tinamaan din ng COVID

Bunsong anak nina Iya Villania at Drew Arellano na si Alana, tinamaan din ng COVID

- Matapos ang pagpositibo ng dalawa niyang anak na sina Leon at Primo, ibinahagi ni Iya Villania na maging ang bunsong anak na si Alana ay tinamaan na rin ng COVID

- Ibinahagi niya ang mga simptomas na naranasan ng tatlo nilang anak matapos nilang mag-isolate ni Drew dahil sa pagpositibo sa COVID

- Nahihirapan man na makitang hindi komportable ang mga anak, kahit papaano ay magkakasama na sila at maalagaan na nilang mag-asawa ang mga anak

- Bumuhos naman ang mensahe para sa kanilang pamilya at panalangin na malampasan nila at gumaling na silang mag-anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nakaligtas ang bunsong anak ni Iya Villania at Drew Arellano na si Alana sa COVID. Ito ay matapos makaranas ng mga simptomas ang kanyang kuya na sina Primo at Leon. Matatandaang naunang ibinahagi ni Iya ang nakakaantig na pag-iyak ni Alana matapos nilang mag isolate ni Drew dahil sa COVID.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Bunsong anak nina Iya Villania at Drew Arellano na si Alana, tinamaan din ng COVID
hoto from Iya Villania (@iyavillania)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ang mga simptomas na naranasan ng tatlo nilang anak kabilang na ang bunsong anak na si Alana na pinakahuling nakaranas ng simptomas ng COVID.

Symptoms the kids have been experiencing so far: sneezing (Primo), vomiting (Leon and Primo - I found this happened during intake of meds), and fever (all 3 kids).

Nahihirapan man na makitang hindi komportable ang mga anak, kahit papaano ay magkakasama na sila at maalagaan na nilang mag-asawa ang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ps: On the upside, borders have now opened and everyone’s reunited so now we can all help each other as the kids heal and recover. Drew and I aren’t going anywhere anyway so we can keep on counting days with the kids until everyone is well again

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Read also

Mayor Isko, sinuspinde ang klase sa buong Maynila mula Enero 14 hanggang 21

Matatandaang nanganak ang aktres sa ikatlong anak nila ni Drew nito lamang July 18. Ibinahagi ng mag-asawa kaagad ang litrato ng kanilang bunso matapos itong isilang ni Iya.

Marami sa mga celebrities ang bumati sa mag-asawa sa kanilang baby girl. Kamakailan ay marami ang naantig sa picture ng tatlong anak ni Iya na kanyang binahagi matapos siyang mag-isolate kasama ang mister na si Drew matapos nilang mag positive sa COVID.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel