Pokwang, kinaawaan pa ang taong nanloko umano sa kanya: "Nakita ko 'yung kalagayan nila"
- Mas nangibabaw pa ang awa ni Pokwang sa taong tumangay ng kanyang Php 58,000
- Nangyari pa ito ngayong pandemya kung saan gagamitin niya sana ang biniling malaking ihawan para sa panibagong negosyo
- Ngunit nang makita raw niya sa social media ang kalagayan ng umano'y nanloko sa kanya, imbis na ipa-Tulfo ay hinayaan na lang niya ito
- Pinagkatiwalaan niya ang taong dati naman ng gumagawa ng mga gamit para sa kanya kaya nakipag-usap na lang daw sana ito ng maayos upang mas lalo pa niyang natulungan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naluluhang ikinuwento ni Pokwang kung paano siya natakbuhan ng Php 58,000 ng taong napagkatiwalaan niyang gumawa ng malaking ihawan sa kanyang karagdagang negosyo ngayong pandemya.
Nalaman ng KAMI na naloko si Pokwang ng dati naman na niyang pinagpapagawan ng mga iba't ibang gamit sa kanyang bahay.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, idinetalye ni Pokwang kung paano mas nangibabaw ang awa hanggang sa tuluyan na niyang hinayaan ang taong ito na muntik na rin niya sanang ipa-Tulfo.
"Pero nung tiningnan ko sa Facebook 'yung kalagayan nila, nawala 'yung galit ko,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Naiinis pa rin ako kasi feeling ko tinutulungan ko na kayo e... Nakita ko may maliliit na anak,"
"Pero sana nagsabi na lang kayo sa akin kung ano para natulungan ko pa kayo, kasi 'pag pinost ko yun sa social media ko marami pang oorder sa'yo e, di ba?"
Masakit kay Pokwang ang nangyari lalo na at siya rin mismo ay gumagawa ng paraan para kumita at makatulong din sa mga maliliit na negosyante.
"Yan kasi ang mahirap mare, kapag alam nilang artista ka ang pumapasok agad sa isip nila kumikita ng pera 'yan"
Hiling ni Pokwang na sana'y maisip pa rin ng iba na pinagpupuyatan at pinaghihirapan pa rin nilang mga artista ang perang kanilang kinikita at dapat na magtulungan pa rin ngayong dumaranas tayo ng pandemya.
"Naaawa lang din ako sa sarili ko na tumulong ka na't lahat, pinagpaguran po na yung pera na yun, pinagpuyatan ko, pwede pa akong magka-COVID dahil lumalabas ako magtrabaho lang, tinutulungan mo na, gano'n pa"
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Pokwang mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Marietta Subong o mas kilala bilang si "Pokwang" ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer at endorser. Ilan sa mga programa kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.
Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ni Malia ang anak nila ng American partner na si Lee O' Brian sa kanyang Instagram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.
Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay talagang kinagiliwan ng mga netizens.
Source: KAMI.com.gh