Donnalyn Bartolome, umalma sa reaksiyon ng netizen sa umano'y pag-iiba ng kulay ng mata nya

Donnalyn Bartolome, umalma sa reaksiyon ng netizen sa umano'y pag-iiba ng kulay ng mata nya

- Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang screenshot ng komento ng isang netizen kaugnay sa post niya kamakailan

- Ito ay tungkol sa umano'y pag-iiba ng kulay ng kanyang mata depende sa kanyang mood na umani ng mga reaksiyon kamakailan

- Isang netizens ang nagpahayag ng kanyang opinyon kaugnay dito at sa tingin niya ay hindi totoong posible na mag-iba ang kulay ng mata

- Ibinahagi din ni Donna ang screenshot ng paliwanag sa posibilidad ng pagbabago ng kulay ng mata

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasabay ng kanyang ibinahaging "trivia" tungkol sa kanyang mata na aniya ay nag-iiba ang kulay depende sa kanyang nararamdaman, umani ng samu't-saring reaksiyon si Donnalyn Bartolome.

Donnalyn Bartolome, umalma sa reaksiyon ng netizen sa umano'y pag-iiba ng kulay ng mata nya
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Sa isa pang Facebook post, binahagi ni Donnalyn ang isa sa mga naging reaksiyon ng netizens. Isang netizens ang nagpahayag ng kanyang opinyon kaugnay dito at sa tingin niya ay hindi totoong posible na mag-iba ang kulay ng mata. Ibinahagi din ni Donna ang screenshot ng paliwanag sa posibilidad ng pagbabago ng kulay ng mata:

Read also

Bulag, buwis-buhay na nangunguha ng kawayang gagawing alkansya para mailako

Naniniwala siya sa mood rings sa blue magic pero sa Opthalmology or Science hindi Loko mo bako Ellein? Hahahahaha

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Para sakin lang po ah, base sa google, pareho namang may point ang kaso lang, di kasi ata nagbabasa itong si Manang Ellein, pinu-point out kasi ni Donnalyn is nagbabago ung kulay ng eyes niya dahil sa emotions niya and syempre nageexpand kasi ang pupil, tapos itong si Ellein, totoo nga na nagbabago/nagiiba ang pupil size pero ung magbigay ka pa ng example na kala mo walang alam ung tao, ay naku, dapat kasi naggoogle ka din muna ayan tuloy, mare-maresa ka aling Ellein
Totoo po yun, mayron talagang tao na nag iiba ang kulay ng mata nila depende sa mood po. May ganyang condition din po si papa e.

Read also

Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Sa kabila naman dumaraming mga request ng fans noon, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel