Jerald Napoles, sa mga sakripisyo ng ina para sa kanya: "Nakita ko lahat 'yun"
- Buong tapang na naibahagi ni Jerald Napoles ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan niya
- Ipinagmamalaki rin niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanyang ina na mag-isa siyang itinaguyod
- Lahat halos ng trabaho at raket ay pinasok ng kanyang ina at nasaksihan niya ang lahat ng ito
- Kaya naman ngayon, alay niya ang bawat tagumpay na tinatamasa upang masuklian ang lahat ng pagmamalasakit na ibinigay sa kanya ng ina mabigyan lamang siya ng magandang buhay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang makabuluhang panayam ang naibahagi ni Toni Gonzaga sa interview niya kay Jerald Napoles.
Nalaman ng KAMI na maraming naibahagi si Jerald tungkol sa kanyang buhay na lingid sa kaalaman ng marami.
Single parent ang kanyang ina na mag-isa siyang itinaguyod.
Saksi umano si Jerald sa kung paano pinasok ng ina ang lahat ng maaring maging trabaho o raket mabuhay at maitaguyod lamang siya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Yes, nakita ko lahat 'yun. Lahat pinasukan niya. Yung iba nga dun di ko na makikwento rito e."
"Nag-waitress, nagkatulong, nag-tutor, nagtindera sa Divisoria, nag-manicure pedicure sa parlor, nagbenta ng alak... Lahat!"
Kaya naman ngayon na isa na siyang ganap na aktor, handog niya sa ina ang lahat ng tinatamasa niyang tagumpay.
Gayunpaman, mula pagkabata, laging paalala ng ina ni Jerald sa kanya na kailanman ay hindi dapat maging mayabang.
"Galit na galit yung nanay ko 'pag nakikita niyang yumayabang ako. Galit na galit siya 'dun."
"'Wag kang yumabang... Matalino ka pero wala kang binatbat pa," laging paalala ng ina ni Jerald noong kabataan pa niya.
Narito ang kabuuan ng interview kay Jerald mula sa YouTube channel ni Toni Gonzaga:
Si Jerald Napoles ay isa sa mga kilalang theater actor at komedyante sa Pilipinas. Nakilala siya nang gampanan niya ang karakter ni "Tolits" sa musical play na 'Rak of Aegis.' Doon, nakilala niya ang kanyang nobya na si Kim Molina.
Samantala, Kimverlie "Kim" Soriano Molina, o mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights' , at Elsa sa mainstream film na #Jowable kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.
Source: KAMI.com.gh