Xian Gaza, tinanong si Diego Loyzaga kung bakit bumibisita raw sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga
- Matapos ang sunod-sunod na mga cryptic post, binanggit ni Xian Gaza ang ilang pangalan ng mga artista sa kanyang panibagong post
- Aniya, nais lamang niyang itanong kay Diego Loyzaga kung bakit ito bumibisita kay AJ Raval sa bahay nito sa Pampanga
- Ito aniya ay habang hinihintay siya sa Maynila ng girlfriend nitong si Barbie Imperial
- Binanggit din ni Xian na ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Muling naging usap-usapan ang Facebook post ni Xian Gaza kung saan tinanong niya si Diego Loyzaga kung bakit umano ito bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay siya ni Barbie Imperial sa Maynila.
Sa kanyang Facebook post, nais lamang umano magtanong ni Xian kay Diego dahil curious umano siya kung ano ang ginagawa nito sa bahay ng dalaga. Aniya pa, mismong sa ama ni AJ na si Jeric Raval nanggaling iyon.
Bago ibahagi ni Xian ang Facebook post na ito ay nag-post si Diego ng picture nila ni Barbie kung saan pinakita nito ang suporta sa girlfriend sa gitna ng mga kontrobersiya kung saan inihayag naman ni Barbie ang kanyang pagmamahal sa boyfriend.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa comment section ay inilagay ni Xian ang mga salitang, JERIC RAVAL: "Hindi tama yan tsk tsk. May girlfriend ka."
Nauna na ring nabanggit ni Xian ang pangalan nina Diego at Barbie sa kanyang mga naunang Facebook posts.
Matatandaang si Xian din ang isa sa mga unang naglabas ng tungkol kina Aljur Abrenica at AJ kamakailan bago pumutok ang kontrobersiyal na patutsadahan nina Aljur at Kylie Padilla kamakailan. Kaya naman, marami sa mga netizens ang naiintriga sa mga post nito sa social media.
Si Xian Gaza ay unang sumikat sa social media matapos niyang ayain si Erich Gonzales para mag-coffee sa pamamagitan ng isang billboard. Kasunod nito ay laging naging matunog ang pangalan niya lalo na nang madawit siya bilang isang scammer.
Marami ang humanga sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa lalaking nahuling magnakaw ng diaper.
Muling naging usap-usapan ang billboard proposal niya kamakailan kung saan niyaya niya para sa isang dinner date si Jennie na miyembro ng K-pop group na Blackpink.
Source: KAMI.com.gh