AJ Raval, napa-sana all sa billboard proposal ni Xian Gaza

AJ Raval, napa-sana all sa billboard proposal ni Xian Gaza

- Matapos ang ilang araw na pananahimik kasunod ng kanyang pahayag ng pagpapaliwanag kung bakit niya ibinahagi ang statement ni Aljur Abrenica, muling nagparamdam si AJ Raval sa social media

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Bukod sa kanyang pagpromote ng kanyang pelikulang Crush kong Curly, nag-react din siya sa kontrobersiyal na billboard proposal ni Xian Gaza kay Jennie ng K-pop group na Black Pink

- Sa kanyang shared post sa kanyang Facebook timeline, napa-sana all si AJ sa paandar na ito ni Xian Gaza na matatandaang isa sa unang naglabas tungkol sa umano'y pagkakamabutihan nina Aljur Abrenica at AJ

- Marami naman ang napatanong dahil nauna nang nasabi ni AJ na baka sa susunod na taon na lang ito babalik sa social media

Maging si AJ Raval ay napa-sana all sa billboard proposal ni Xian Gaza para sa miyembro ng K-pop group na Blackpink. Sa kanyang proposal ay inaya niya para sa isang date si Jennie at ito ay inilabas sa isang billboard sa South Korea.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

AJ Raval, napa-sana all sa billboard proposal ni Xian Gaza
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang ilang araw na pananahimik kasunod ng kanyang pahayag ng pagpapaliwanag kung bakit niya ibinahagi ang statement ni Aljur Abrenica, muling nagparamdam si AJ Raval sa social media. Marami tuloy ang napatanong dahil nauna nang nasabi ni AJ na baka sa susunod na taon na lang ito babalik sa social media matapos ang pagkakadawit niya sa kontrobersiyal na hiwalayang Aljur at Kylie Padilla.

Aniya ay kailangan niya munang mag-social media detox.

Bukod sa kanyang pag-react sa kontrobersiyal na billboard proposal ni Xian kay Jennie, nagpromote din siya ng kanyang bagong pelikulang Crush kong Curly kung saan kasama niya ang Hashtags member na si Wilbert Ross.

Ang aktres na si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" ni Direk Darryl Yap.

Read also

Teacher Dan, sinabing hindi niya sinasadya ang pagpiyok niya sa kanyang pagkanta

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel