Regine Velasquez, ibinahaging nahanap na raw niya ang papalit sa kanya
- Kinaaliwan ang post ni Regine Velasquez kung saan ibinahagi niya ang post ng social media star na si Teacher Dan
- Matatandaang umani ng milyon-milyong views ang pakikipag-showdown ni Teacher Dan kay Regine sa pagbirit ng kantang Chandelier
- Ayon pa kay RRegine, nais niyang ipaalam sa lahat na nakita niya na umano ang papalit sa kanya
- Umani ng mga reaksiyon ang post na ito ni Regine at pabiro pa nitong sinabi na dapat ay isama sa ASAP si Teacher Dan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang naaliw sa pagbabahagi ni Regine Velasquez ng post na nauna nang ibinahagi ni Teacher Dan sa kanyang Facebook page na Dan Vibes. Matatandaang umani ng milyon-milyong views ang pakikipag-showdown ni Teacher Dan kay Regine sa pagbirit ng kantang Chandelier.
Ayon pa kay RRegine, nais niyang ipaalam sa lahat na nakita niya na umano ang papalit sa kanya. Umani ng mga reaksiyon ang post na ito ni Regine at pabiro pa nitong sinabi na dapat ay isama sa ASAP si Teacher Dan.
Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na nahanap ko na ang papalit sakin. Sya na talaga ang tatapos sakin Dapat nasa ASAP si ate HAYST so basic Happy Anniversary to me #regine30 #maunajudni @paolovalenciano @danvibes_official
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito naman ang reaksiyon ng netizens sa post ni Regine:
Tawang tawa ko sa binalik ung mic sa bag
Sorry ate alam mong idol kita pero sa B ako this time
The new "Song Book" hahhaha
Ikinasal si Regine Velasquez sa asawang si Ogie Alcasid noong December 2010. Matatandaang naunang lumipat si Ogie sa Kapamilya network mula sa GMA-7, na kinalaunan ay sinundan din ni Regine.
Kamakailan ay ibinahagi ni Regine ang kanyang kalungkutan nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa kapwa niya mang-aawit na si Lani Misalucha.
Naibahagi niya rin ang naging epekto ng pandemya sa kanyang pamilya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh