Alma Concepcion, super proud sa anak na dean's lister sa Fordham University sa NY
- Proud ang dating aktres na si Alma Concepcion sa achievement ng anak na nag-aaral sa isang prestihiyosong business school sa New York
- Ibinahagi ni Alma na kasama ang anak sa dean's list ng Fordham University’s Gabelli School of Business
- Matatandaang taong 2019 nang unang ibinahagi ni Alma na natanggap sa nasabing paaralan ang kanaynag anak
- Dalawang taon ang nakalilipas, patluoy pa rin sa pamamayagpag ang kanyang anak sa pagkamit ng mga awards at achievements
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Proud na ibinahagi ng dating aktres na si Alma Concepcion ang nakamit na karangalan ng kanyang anak na si Cobie Puno.
Nalaman ng KAMI na patuloy na namamayagpag sa Fordham University’s Gabelli School of Business sa New York City ang anak ni Alma na ngayo'y kasama sa Dean'd List.
Ibinahagi ni Alma ang mga larawan at video ng anak na si Cobie sa pagtanggap nito ng certificate of recognition.
Matatandaang noon lamang 2019, ibinahagi ni Alma na natanggap sa prestihiyosong paaralan ang kanyang anak na si Cobie at dream school daw talaga ito ng binatilyo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ilang mga kilalang personalidad ang nagtapos sa unibersidad na ito at isa na nga rito ay ang multi-awarded Hollywood actor Denzel Washington.
Si Alma Concepcion ay sumali umano sa Binibining Pilipinas noong 1994, nang nag-tourism major siya sa University of Santo Tomas.
Naging isa siya sa mga title holders, kasama sina Charlene Gonzales, na siyang kinoronahan naman bilang Binibining Pilipinas Universe.
Umabot siya sa top finalist ng Miss International sa Tokyo, Japan at nanalo ring Miss Friendship.
Makalipas ang dalawang taon, pinasok na rin ni Alma ang pag-aartista kung saan naging nomindo pa siya bilang best supporting actress sa Gawad Urian noong 1996. Ito ay para sa pelikulang 'Sa Ngalan ng Pag-ibig'.
Nagtapos din si Alma ng Interior Designing sa University of the Philippines at isa na siya ngayong licensed interior designer.
Taong 2019, sa edad na 44, nasungkit pa rin ni Alma ang korona bilang Miss Grand Universe.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh