Kaye Abad, nagbigay ng update sa kalagayan ng kanyang pamilya matapos ang lindol sa Cebu

Kaye Abad, nagbigay ng update sa kalagayan ng kanyang pamilya matapos ang lindol sa Cebu

• Nagbigay si Kaye Abad ng update sa social media matapos ang malakas na lindol sa Cebu

• Sinabi niyang ligtas siya at ang kanyang mga anak at kasalukuyan silang nasa Manila

• Inilahad din niyang ligtas pati na rin ang kanyang pamilya sa Cebu

• May asawa si Kaye na si Paul Jake Castillo at mayroon silang dalawang anak na sina Joaquin at Iñigo Leon at matagal na silang naninirahan sa Cebu

• Ayon sa PHIVOLCS magnitude 6.9 ang lindol sa Cebu na nagdulot ng mahigit 60 nasawi maraming sugatan at malawakang pinsala kaya’t nagpapatuloy ang relief at rescue operations

Ang aktres na si Kaye Abad, residente ng Cebu, ay nagbigay ng panibagong update tungkol sa kalagayan ng kaniyang pamilya matapos ang malakas na lindol na yumanig sa Cebu. Sa kaniyang Instagram Stories, ipinaliwanag niya ang sitwasyon sa gitna ng pag-aalala ng kaniyang mga kaibigan at tagahanga. Ipinaliwanag niyang kasalukuyang nasa Manila sila ng kanyang mga anak at ligtas naman ang iba pa niyang mga kapamilya na nasa Cebu.

Read also

Kaye Abad
Kaye Abad @kaye_abad
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“To my friends who are asking kung kamusta kami, we are okay. Me and the kids are in Manila. My family in Cebu are okay,” saad ng akres.

Si Kaye ay may asawa na si Paul Jake Castillo, at magkasama nilang pinapalaki ang kanilang dalawang anak: sina Joaquin (ipinanganak noong December 22, 2017) at Iñigo Leon (ipinanganak noong September 2, 2021). Sila ay matagal nang naninirahan sa Cebu at madalas ipakita ni Kaye ang kaniyang buhay pamilya sa social media, kabilang ang pagbibigay-diin sa pagiging magkasundo nila at suporta sa isa’t isa.

Ayon sa PHIVOLCS at mga ulat, ang lindol na tumama sa Cebu ay may lakas na magnitude 6.9 at may shallow depth na 5 kilometro, na nagdulot ng malawakang pinsala sa hilagang bahagi ng lalawigan, lalo na sa Bogo at San Remigio. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 60 katao ang nasawi habang marami ang sugatan at nawalan ng tirahan. Patuloy ang rescue at relief operations sa mga lubusang nasalanta, at hiniling ng mga lokal na pamahalaan ang agarang tulong tulad ng medical volunteers, pagkain, panlimas, at iba pang pangangailangan upang tugunan ang krisis.

Read also

Kaye Abad
Kaye Abad, nagbigay ng update sa kalagayan ng kanyang pamilya matapos ang lindol sa Cebu
Source: Instagram

Si Kaye Abad ay isang aktres na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag siya dahil sa kanyang papel bilang Epifania "Eds" Delos Santos sa Tabing Ilog, isang sikat na teen drama series. Lumabas din siya sa ilang teleserye gaya ng Annaliza at Nang Ngumiti Ang Langit. Si Kaye ay kasal sa aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo Leon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagdiwang ng kaarawan si Kaye Abad. Dahil dito, bumuhos ang pagbati mula sa pamilya at mga kaibigan niya. Isa na rito ang kanyang matalik na kaibigan na si Paolo Contis, na nag-post ng larawan ni Kaye. Ngunit nang makita ni Kaye ang larawang pinili ni Paolo, nagbigay siya ng reaksyon.

Samantalang noong 2024, naging usap-usapan si Kaye Abad matapos niyang ibahagi na nagpadala ng mensahe sa kanya si Iza Calzado. Kaugnay ito ng kanyang naging panayam kay Boy Abunda, kung saan sinabi niyang itinuturing niyang pinakamaganda si Iza. Nagpasalamat si Iza sa kanyang mga papuri ngunit sinabi rin nito kay Kaye na huwag tanggapin ang bansag na siya ang "pangit na version" niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta