Lars Pacheco nagbigay reaksiyon sa viral picture ng kanyang sweatshirt
- Nag-viral sa social media ang lumang litrato ni Lars Pacheco na suot ang isang green sweatshirt na may nakasulat na “We Don’t Cheat,” kasunod ng kanyang pag-amin na tatlong beses niyang niloko ang kanyang long-time boyfriend na si Clyde Vivas na naging dahilan ng kanilang hiwalayan
- Sa gitna ng matinding pambabatikos mula sa netizens, nirepost pa ni Lars ang nasabing larawan noong Mayo 8 at nilagyan ng caption na “Kaya ko binibenta ngani,” dahilan upang muling pag-usapan ang kanyang relasyon at ang pagiging prangka niya tungkol sa kanyang pagkakamali
- Matatandaan na si Lars ay unang nakilala bilang finalist sa segment na Miss Q&A ng “It’s Showtime” noong 2018 at mula noon ay nakilala siya bilang vlogger at influencer, kaya’t mas naging maugong ang isyu dahil nakataya rin ang kanyang pangalan bilang isang public figure
- Sa kabila ng kontrobersya, nagsalita si Clyde Vivas at umapela ng respeto para kay Lars, na aniya ay minsan niyang minahal, habang nagpapatuloy pa rin ang usapin sa social media kung paano haharapin ng influencer ang pambabatikos at ang posibilidad ng kanyang muling pagbangon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling naging usap-usapan online ang transgender personality at influencer na si Lars Pacheco matapos mag-viral ang kanyang larawan suot ang isang green sweatshirt na may nakasulat na “We Don’t Cheat.”

Source: Instagram
Ang nasabing larawan ay lumutang online kasunod ng kanyang pag-amin na siya ay tatlong beses na nangaliwa sa kanyang long-time boyfriend na si Clyde Vivas, dahilan ng kanilang hiwalayan. Sa kabila ng negatibong reaksyon ng publiko, nirepost pa mismo ni Lars ang larawan noong Mayo 8, kalakip ang maikli ngunit makahulugang caption:
“Kaya ko binibenta ngani.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa social media, maraming netizens ang nagkomento na tila ironic ang nasabing sweatshirt lalo’t siya mismo ang umamin na nag-cheat. Ang ilan ay hindi naiwasang batikusin siya, habang may iilang nagsabing hinahangaan nila ang kanyang pagiging prangka sa pag-amin ng pagkakamali.
Kasabay ng pag-viral ng larawan, inamin ni Lars na matindi rin ang pinagdaraanan niya mula sa pambabatikos. Gayunpaman, nanatili siyang aktibo sa social media at piniling harapin ang mga puna nang diretsahan.

Read also
Mag-live-in couple sa Davao del Sur, patay matapos ang karumal-dumal na pananaksak at pananaga
Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay umamin si Lars sa isang live video na siya ang dahilan ng breakup nila ni Clyde Vivas. Aniya, tatlong beses siyang nag-cheat sa relasyon, bagay na ikinasakit ng kanyang partner. Agad namang umani ng matinding batikos ang kanyang pag-amin, lalo na mula sa mga tagasuporta ng kanilang tambalan.
Si Lars Pacheco ay unang nakilala bilang isa sa mga finalist ng 2018 Miss Q&A sa It’s Showtime. Sa kanyang pagsali sa nasabing segment, nakilala siya hindi lamang sa kanyang ganda kundi pati sa kanyang pagiging outspoken at matapang sa mga isyung kinakaharap ng LGBTQ+ community. Lumawak pa ang kanyang following nang pasukin niya ang pagba-vlog at social media influencing.
Samantala, nagbigay din ng pahayag si Clyde Vivas matapos kumpirmahin ang kanilang hiwalayan. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, sinabi ni Clyde na sobra siyang nasaktan sa nangyari ngunit pinipili niyang manatiling tahimik upang bigyang respeto si Lars. Aniya, kahit mahirap tanggapin, nirerespeto niya ang kanilang pinagsamahan. Basahin ang buong ulat dito
Kasunod nito, muli ring nanawagan si Clyde ng respeto para kay Lars sa kabila ng sakit na kanyang dinaranas. Ayon sa kanya, mas mabuting tapusin ang usapin nang walang paninira at hayaan na lamang na pareho silang maka-move on sa kanilang mga buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh