GMA vs TAPE: TAPE legal counsel, “Wala pang kaso sa prosecutor’s office”
- Ipinahayag ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na wala pa silang natatanggap na opisyal na reklamo mula sa GMA Network kaugnay ng umano'y hindi pag-remit ng halos ₱38 milyon sa advertising revenue
- Ayon kay Garduque, personal nilang pinasuri sa Quezon City Prosecutor's Office ang ulat ngunit walang nakatalang kaso laban sa mga tinukoy na opisyal ng TAPE sa balita
- Ikinagulat umano ng buong pamunuan ng TAPE ang ulat na naglalaman ng akusasyong estafa laban sa kanila at tiniyak nila na handa silang tumugon sa anumang legal na hakbang kapag pormal na itong isinampa
- Sa isang opisyal na pahayag mula sa GMA, iginiit nilang nilabag ng mga opisyal ng TAPE ang kasunduang paglipat ng karapatan sa ad revenues, at ang nasabing halaga ay ginamit umano sa operasyon ng kompanya imbes na i-remit sa GMA
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mariing itinanggi ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) na mayroon na silang natatanggap na opisyal na reklamo mula sa GMA Network kaugnay ng umano’y hindi pag-remit ng halos ₱38 milyon na kita mula sa mga advertisement. Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, wala pa umanong anumang kaso ang naisampa sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.

Source: Facebook
“I called TAPE about the article published at GMA but they did not know anything about it,” ani Atty. Garduque sa isang panayam sa INQUIRER.net. Dagdag pa niya, ipinag-utos niya na personal na i-check ng isa sa mga tinutukoy sa reklamo ang prosecutor’s office pero sinabing wala pang kaso ang nakatala laban sa kanila.
“They were surprised by the news article. Anyway, TAPE has not received any copy of the complaint filed against them,” dagdag ng abugado. Nangako rin siyang kapag may natanggap nang opisyal na reklamo, haharapin ito ng kumpanya sa legal na paraan.
Matatandaang kaninang araw, inilabas ng GMA Network ang isang opisyal na pahayag kung saan inaakusahan nito ang mga top executive ng TAPE ng estafa through abuse of confidence. Ayon sa GMA, ang reklamong inihain ay may kaugnayan sa umano’y hindi pag-remit ng ₱37,941,352.56 na dapat sana’y para sa GMA batay sa isang Assignment Agreement na pinirmahan noong 2023.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ilan sa mga tinukoy sa reklamo ay sina dating TAPE president at CEO Romeo Jalosjos, Jr., chairman Romeo Jalosjos, Sr., treasurer Seth Frederick “Bullet” Jalosjos, current CEO Malou Choa-Fagar, former SVP for Finance Michaela Magtoto, at finance consultant Zenaida Buenavista.
Ayon sa GMA, ang mga halagang ito ay dapat sana’y naibalik sa kanila ngunit imbes ay ginamit umano ito ng TAPE sa kanilang mga operasyon. Isinampa ang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office ngunit ayon sa panig ng TAPE, hindi pa nila natatanggap o nakikita ang anumang opisyal na dokumento hinggil dito.
Ang TAPE Inc. ay ang production company sa likod ng ilang dekada nang pag-ere ng noontime show na Eat Bulaga. Sa kasalukuyan, naging sentro ito ng kontrobersya matapos umalis ang original hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) noong 2023, na sinundan ng legal at corporate disputes.
Sa isang panayam, inamin ni Bossing Vic Sotto na masakit para sa kanya ang naging sitwasyon sa TAPE at ang kanilang biglaang pag-alis sa show. Ibinahagi rin niyang mas pinili nilang iwan ang kumpanya kaysa mawalan ng respeto sa sarili.
Inanunsyo ng GMA Network na nagsampa na sila ng kaso laban sa ilang opisyal ng TAPE dahil sa umano’y hindi pag-remit ng malaking halaga ng ad revenues. Tinukoy nila ang isang kasunduan noong 2023 kung saan dapat ay direktang ibinibigay sa GMA ang nasabing kita.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh