Alynna Velasquez, inalala ang huling sandali kasama si Hajji Alejandro bago ito pumanaw
-Ibinahagi ni Alynna Velasquez ang emosyonal na mensahe para sa yumaong partner na si Hajji Alejandro, isang araw bago ang kanilang ika-27 anibersaryo
-Pinili ni Hajji na manatili sa bahay at tumanggap ng palliative care sa halip na muling maospital
-Nagpasalamat si Alynna sa mga anak ni Hajji na sina Rachel at Ali Alejandro sa pag-abot ng pakikiramay sa kanya
-Inalala ni Alynna ang mga huling araw na magkasama sila ni Hajji, kung saan pinakinggan nila ang kanilang mga paboritong kanta
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang emosyonal na post sa Instagram noong Abril 22, 2025, ibinahagi ni Alynna Velasquez ang kanyang damdamin sa pagpanaw ng longtime partner na si Hajji Alejandro, isang araw bago sana ang kanilang ika-27 anibersaryo bilang magkasintahan.

Source: Instagram
"My love, we spent the last [eight] days of your life together," ani Alynna, habang inaalala ang mga huling sandali nilang magkasama. Nagpasalamat din siya sa mga anak ni Hajji na sina Rachel at Ali Alejandro sa pag-reach out sa kanya.
I am grateful to your kids Ali and Rachel for reaching out to me. I have been waiting. I think of you every hour of every day.
Ayon kay Alynna, si Hajji ay nagdesisyong hindi na muling maospital at sa halip ay tumanggap ng palliative care sa kanilang tahanan. "You refused another trip to the hospital and chose palliative care instead, in the comforts of your home, in the company of people you love. You knew you were leaving us soon," aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inalala rin ni Alynna ang kanilang mga huling sandali na magkasama, kung saan pinakinggan nila ang kanilang mga paboritong kanta. "We listened to our favorite songs and we both had tears in our eyes. Your precious voice has been impaired because CA had constricted your respiratory system as well," kwento niya. "But I felt your love even without words. And despite the pain, restlessness and hallucinations, you tried to hold my hand."
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ni Alynna, "April 22, 2025—Happy 27th Anniversary, my one and only love, Hajji Alejandro. See you in God’s time. I love you eternally."
Si Hajji Alejandro ay isang kilalang OPM icon na sumikat noong dekada '70 at '80. Tinaguriang "Kilabot ng mga Kolehiyala," siya ay naging bahagi ng grupong Circus Band bago nagsimula ng solo career. Ilan sa kanyang mga sikat na kanta ay "Kay Ganda ng Ating Musika," "Panakip Butas," at "Nakapagtataka."
OPM icon Hajji Alejandro, pumanaw na sa edad na 70. Pumanaw ang OPM legend na si Hajji Alejandro sa edad na 70 noong Abril 21, 2025. Kinumpirma ng kanyang pamilya ang balita at agad na bumuhos ang pakikiramay mula sa kapwa musikero at tagahanga.
Alynna Velasquez, umalis na raw sa bahay ni Hajji Alejandro matapos ang 27 taon ng pagsasama. Inamin ni Alynna Velasquez na umalis siya sa bahay ni Hajji Alejandro matapos ang 27 taon ng kanilang pagsasama dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pamilya ng singer. Sa kabila nito, sinabi niyang handa pa rin siyang tumulong kay Hajji at sa kanyang pamilya kung kinakailangan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh